Simbahan at IBP, sanib puwersa sa pagtulong sa mga katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Inihayag ng Integrated Bar of the Philippines ang pakikipagtulungan sa Catholic Bishops Conference of the Philippines upang maprotektahan at mabigyang ng legal na tulong at gabay ang mga katutubo sa buong bansa.

Ayon kay Atty. Domingo Cayosa – Executive Vice President ng IBP, may kasalukuyang kasunduan ang organisasyon at ang CBCP Episcopal Commission on Indigenous People para magkatuwang na matulungan ang mga katutubo.

Pagbabahagi ni Atty. Cayosa, malaki ang maitutulong ng mga resources ng bawat diyosesis sa buong bansa upang maiparating sa mga katutubo ang legal na tulong sa mga kaso ng pang-aagaw ng mga lupa sa mga katutubo at usapin ng pagmimina.

“yung CBCP naman meron kasing Commission on Indigenous Peoples hindi sa Tokhang but in many cases yan yung mga nagiging biktima sa kanayunan inaagaw ang lupa, mining the CBCP has in every province also the Bishop, Social Action Center ganun may resources din and staff then access to media and IBP wala naman so nagkaroon kami ngayon ng mga abugado kapag meron kayong kliyenteng IP na natatakot lumantad kayo ang magtutulay, kung tutulungan naman namin ipagamit niyo yung resources niyo, diba synergy yun…” pahayag ni Cayosa.

Nabatid na nasa 14 hanggang 17 milyon ang populasyon ng mga Indigenous Peoples sa bansa na halos karamihan o 61 porsyento ng mga ito ay nasa Mindanao na pawang mga magsasaka sa kanilang ninunong lupa.

Nakasaad naman sa Republic Act 8371 o mas kilala bilang “Indigenous Peoples Rights Act” o IPRA ng 1997 kinikilala nito ang karapatan ng mga lumads na pamahalaan ang kanilang lupang ninunong saklaw.

Samantala, batay sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco binigyang diin din nito ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga katutubo na syang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 53,617 total reads

 53,617 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 177,041 total reads

 177,041 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 262,409 total reads

 262,409 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 309,150 total reads

 309,150 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 357,016 total reads

 357,016 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 452,383 total reads

 452,383 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top