Pope Francis, naglabas ng decree sa Canonical coronation ng Our Lady of the Pilar.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total views

Labis ang kagalakan ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa biyayang natanggap mula kay Pope Francis kaugnay sa paggawad ng pagkilala para sa ‘canonical coronation’ ng Our Lady of the Pillar sa Morong, Bataan.

Ayon sa Obispo, ang ‘decree’ ay ipinadala sa pamamagitan ng apostolic nunciature at kanilang natanggap noong Lunes ika-16 ng Abril, 2018.

Ang canonical coronation ang pinakamataas na iginagawad sa isang imahe na naging bahagi para sa paglago ng pananampalataya ng mamamayan bilang kanilang pintakasi.

“Ito ay isang malaking biyaya ng Diyos para sa sambayanan ng Morong lalu na sa sambayanan ng Bataan. Ito ay pagkilala sa natatanging pananampalataya ng mga tao noon at ngayon. Through the years… four hundred ten years na itong Morong sa pagkakatatag ng simbahan. Inspite of everything war, revolution, at natural calamities with their faith at ang devotion sa Mahal na Ina ay patuloy pa rin naging salin-salin lahi. Ipinagpatuloy hindi nawala, hindi nabawasan at lalung nadagdagan,” ayon kay Bishop Santos.

Inihayag ng Obispo na maaring isagawa ang pagpuputong ng korona sa Our Lady of the Pillar sa Morong Bataan bago o sa mismong kapistahan nito sa Oktubre.

Binigyan diin din ni Bishop Santos na ang pagkilalang ito sa simbahan ng Morong ay magsisilbing panibagong sigla sa bawat mananampalataya at higit pang pananampalataya sa Panginoon.

“Ito ay pampasigla at encouragement na magpatuloy sila sa kanilang pananampalataya. Lalu na ngayon alam naman natin dito sa Morong ay marami pa rin ang kumakalaban at gustong masira ang kalikasan sa nais na buhayin ang Nuclear Power Plant,” ayon sa obispo.

Ang munisipalidad ng Morong ay bahagi ng lalawigan ng Bataan kung saan matatagpuan ang Subic Bay international airport, Bataan Nuclear Power Plant at ang dating Philippine Refugee Processing Center.

Ang Our Lady of the Pilar sa Morong Bataan ay itinatag ng mga Recolletos noong 1607 o 410 taon nang nakatayo at isa sa pinakamatandang simbahan sa Morong at sa Pilipinas.

Sa tala ang Diyosesis ng Balanga ay may kabuuang populasyon na 700,000 na may 86 na porsiyento ang mga katoliko na binubuo ng 55 mga pari na siyang nangangasiwa sa 35 mga parokya.

Ang imahe ng Our Lady of the Pillar ng Morong ang ika-39 na imahe ng Mahal na Ina na ginawaran ng canonical coronation sa buong bansa na ang pinakaunang pinutungan ng korona ay ang Nuestra Senora del Santisimo o Rosario de la Naval sa Quezon City na pinarangalan noong 1907.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,579 total views

 13,579 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,691 total views

 83,691 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,305 total views

 158,305 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,384 total views

 238,384 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,114 total views

 281,114 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top