Diocese ng Cabanatuan, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng San Leonardo Massacre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total views

Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin si Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa mga kaanak ng anim na biktima na pinatay ng isang magsasaka sa bayan ng San Leonardo, Cabanatuan.

“Ang kaparian, mga relihiyoso at relihiyosa, at ang Diocesan Council of the Laity ng Diocese ng Cabanatuan ay nagpapaabot ng taus-pusong pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng mga biktima ng masaker sa Barangay Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija,” ayon sa inilabas na pahayag ng Diocese ng Cabanatuan noong April 22.

Ayon kay Bishop Bancud, isa itong panibagong hamon sa mga pari, relihiyoso at mga layko na muling pag-alabin ang pananampalataya sa pagpapalaganap ng pag-ibig at kapayapaan sa kapwa.

“Nawa ang malagim na pangyayaring ito ay muling magpaalab sa diwa ng ating misyong ipalaganap at itaguyod ang kapayapaan ni Kristo sa daigdig na ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Bancud.

Agad namang sumuko ang suspek na si Jessie Tesoro, 34 na sinampahan ng kasong multiple murder at frustrated murder makaraang patayin ang kaniyang nobya na si Jennifer Cariaga at lima pa nitong kamag-anak kabilang na ang dalawang bata.

Isa namang biktima ang nakaligtas mula sa trahedya na naganap noong April 20. Pinasalamatan din ng Obispo ang mabilis na paglutas ng pulisya sa krimen para sa kagyat na pagkamit ng katarungan sa mga nasawing biktima.

“Sa liwanag ng ating pananampalataya, magsikap nawa tayo sa pagsusulong sa kapayapaan at pagkakasundo sa ating sambayanan at sa pangangalaga ng biyaya ng buhay at pagkakaisa ng pamilya sa ating tahanan,” dagdag pa ni Bishop Bancud.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 171,638 total views

 171,638 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 149,271 total views

 149,271 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 213,399 total views

 213,399 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 233,245 total views

 233,245 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 153,240 total views

 153,240 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top