CBCP, umaapela ng panalangin sa tagumpay ng assembly of Chaplains and Prison volunteers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Umapela ng panalangin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa tagumpay at pagiging makabuluhan ng tatlong araw na Regional Assembly of Chaplains and Volunteers in Prison.

Ayon kay Bro. Rudy Diamante-Executive Secretary ng kumisyon, magsisimula ngayong araw ika-7 hanggang ika-9 ng Mayo ang pagtitipon na isasagawa sa Tagaytay City.

Tema ng Regional Assembly ay “Renewed Servant Leaders for New Evangelization” upang mapalalim ang kamalayan at adbokasiya ng mga Chaplains at Volunteers na tulungan ang mga bilanggo sa kanilang pagbabagong buhay.

Ayon kay Diamante, tinatayang aabot sa 140 ang mga dadalo sa pagtitipon mula sa iba’t ibang grupo at diyosesis sa bansa.

“Please pray for a meaningful and fruitful Regional Assembly of our Chaplains and Volunteers in Prison in Tagaytay City from May 7-9, 2018 with the theme Renewed Servant Leaders for New Evangelization. Around 140 participants from different dioceses & groups are joining.” apela ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Unang umapela ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ng karagdagang volunteers lalo na sa usaping legal dahil sa malaking kakulangan ng kumisyon sa mga abogado na maaring makatulong sa pag-aaayos ng mga kaso at papeles ng mga bilanggo.

Batay sa tala ng kumisyon umaabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer in prison sa buong bansa na nagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo.

Samantala sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology tinatayang umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa kung saan sa bilang na ito higit sa 31-libo ang nagmula sa National Capital Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,725 total reads

 53,725 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,188 total reads

 133,188 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,633 total reads

 166,633 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,931 total reads

 201,931 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,309 total reads

 426,309 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top