Administrasyong Aquino, malinis ang hangarin sa pamamahagi ng Dengvaxia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,553 total reads

Nanindigan si dating Department of Health Secretary Janette Garin na malinis ang hangarin ng dating administrasyon sa pamamahagi ng Dengvaxia.

Ayon sa dating kalihim, ginampanan lamang nito ang tungkulin na tulungan ang publiko lalo’t tumataas ang kaso ng dengue noon sa bansa.

“Maliwanag po ang lahat ng nangyayari, malinis ang konsensya namin, wala kaming tinatago, walang nagkapera dito, ginagawa namin ang tungkulin in the name of public help.” pahayag ni Garin sa Radio Veritas.

Itinanggi rin ni Garin ang paratang na ginamit ang Dengvaxia kahit hindi pa tapos ang trial period ng gamot at iginiit na mayroon itong Certificate of Product Registration mula sa Food and Drug Administration.

Nilinaw nito na may post marketing surveillance ang kumpanya at kilala ang Sanofi Pasteur na patuloy ang pagmomonitor sa kanilang mga produkto kahit nailabas na ito sa publiko.

Pagbabahagi pa ni Garin may 20 mga bansa kabilang ang Pilipinas kung saan pinahihintulutan ang pagbabakuna ng Dengvaxia at sinunod ang mga alintuntunin na nararapat sundin kung saan tanging Pilipinas lamang nagsuspendi sa vaccine.

Ikinalungkot din ni Garin ang epekto ng Dengvaxia fiasco kung saan tinanggihan ng mga magulang ang iba pang programang pamamakuna sa mga lokal na pagamutan dahil sa takot na nilikha ng mga nagpapanggap na eksperto.

Batay sa tala ng Department of Health umabot sa 800-libo ang mga kabataang naturukan ng kontrobersiyal na dengvaxia vaccine na nagkakahalagang 3.5 bilyong piso.

Naniniwala naman si Rev. Fr. Dan Cancino ang Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare na dapat panagutin ang sinumang pinagmulan ng suliranin ng Dengvaxia at palawakin ng pamahalaan ang pagsisiyasat sa nasabing usapin upang lumabas ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 239,406 total reads

 239,406 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 271,135 total reads

 271,135 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,961 total reads

 372,961 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 413,522 total reads

 413,522 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 424,154 total reads

 424,154 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top