CBCP-ECHC, naglabas ng healthy tips laban sa heatstroke

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare ang bawat isa na ingatan ang kalusugan sa gitna ng pabago-bagong klima.

Ayon kay Rev. Fr. Dan Cancino – Executive Secretary ng komisyon, ang katawan ng tao ang templo ng Panginoon at ginagamit sa paglilingkod sa kapwa kaya naman mahalagang mapanatili itong malakas at masigla.

Dahil dito, payo ni Fr. Cancino na mag saliksik at mag aral ng mga paraan upang mapatibay ang katawan laban sa mga epekto ng nagbabagong klima.

Ipinaalala rin ng pari ang kahalagahan ng madalas na pag-inom ng tubig, at pagdadala ng payong upang makaiwas sa heatstroke.

Bukod dito, mahalaga rin ayon kay Fr. Cancino ang pangangalaga sa balat sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagbibilad sa matinding sikat ng araw.

Batay sa datos ng Department of Health umaabot na sa 14 milyong Pilipino ang may hypertension na posibleng mauwi sa stroke kapag napabayaan dahil sa init ng panahon.

“Huwag po tayong masyadong mag expose under the sun at kumain tayo ng masustansyang pagkain. Hindi po dapat lahat ng pagkain ay kinakain mas maganda ay in moderation yan ang laging sinasabi sa atin. At mag exercise tayo, bigyan natin ng panahon ito dahil napaka dami nang hamon ng panahon hindi lang sa ating katawan, ito ay masasalamin din sa ating buhay pananampalataya, huwag p natin kalimutang manalangin, magdasal.” Pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Hiniling naman ng pari sa mga mananampalataya na tulungan ang kalikasan kahit sa maliit na pamamaraan upang mapaghilom ang sugat sa ating planeta at mabawasan ang pag init ng mundo.

Sa pag-aaral ng Global Climate Risk Index simula taong 1994 hanggang 2013 pang lima ang Pilipinas sa sampung bansang pangunahing naaapektuhan ng matinding pagkasira ng kalikasan dahil sa Climate Change.

Ayon sa Encyclical Letter na Laudato Si ni Pope Francis, lahat tayo ay maaaring makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating sariling kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,102 total reads

 48,102 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,837 total reads

 127,837 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,284 total reads

 161,284 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,582 total reads

 196,582 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,250 total reads

 421,250 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,595 total reads

 37,595 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,484 total reads

 30,484 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top