Pakinggan ang tinig ng Kalikasan at Hinagpis ng mga Dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total views

Ito ang panawagan ng mga makakalikasang grupo sa ikatlong taon ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng Laudato Si.

Naniniwala si Father John Leydon, MSSC – Convenor ng Global Catholic Climate Movement-Pilipinas, na isang malaking kabiguan para sa tao kung hindi nito mapakikinggan ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng mga mahihirap at ng kalikasan.

Ayon kay Father Leydon, kung si Maria ay hindi nakinig sa tinig ng Panginoon ay hindi maisisilang si Hesus sa mundo, kaya naman marapat lamang na tularan ito ng mga tao sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng daigdig.

“Laudato Si is panawagan sa atin na makinig sa tinig ng Diyos sa ating kasalukuyang panahon at makikinig tayo sa pamamagitan ng pakikinig sa daing ng mga dukha at daing ng ating planeta and there can be no greater failure para sa tao na hindi makinig sa tinig ng Diyos. Kung hindi nakinig si Maria sa panawagan we wouldn’t have Jesus, God wants us to listen to the voice of the poor and the voice of the Earth and the Voice of God.” Pahayag ni Father Leydon sa Radyo Veritas.

Samantala, nanawagan naman si Yolly Esguerra – National Coordinator ng Philippine Misereor Partnership Incorporated, ng pagbabago sa pag-uugali at gawi ng pamumuhay o Lifestyle ng bawat tao.

Iginiit ni Esguerra na sa pamamagitan ng payak na pamumuhay at tunay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan ay mas maipadarama nito ang tunay na pagmamahal sa kapaligiran at maihahatid ang katarungan sa lahat ng nilalang ng Diyos.

“Laudato Si is a continuing and moving testimony how the spirit works. Nature, through the climate change challenge to mankind, gave us an insight towards the way to redemption and liberation. Only through an ecological conversion, by embracing our connectedness with nature, that we will be able to care truly and give justice to all creation.” pahayag ni Esguerra.

Dahil dito, iginiit ni Caceres Abp. Rolando Tria Tirona – Chairman ng CBCP NASSA / Caritas Philippines na marapat na buhayin sa isip, lalong lalo na sa puso ng bawat tao ang tunay na mensahe ng Laudato Si.

Ipinaalala ng Arsobispo sa mamamayan na ang bawat tao na nilikha ng Diyos sa sanlibutan ay hindi namumuhay nang mag-isa o para lamang sa kanyang sarili, dahil kaakibat ng buhay na ipinagkaloob sa bawat isa ang pagmamahal at pag-aarugang dapat na ialay ng tao sa kalikasan.

“Huwag nating kalilimutan na hindi tayo nag-iisa sa buhay na ito, nabubuhay tayo kasama natin ang inang kalikasan, sa simula’t-simula yun talaga ang kalooban ng Diyos. Sa kasaysayan, nalihis ang tao, nakalimutan nila ang katotohanang ito, nagsarili ang tao, hindi lamang nagsarili kundi imbis na maglakbay kasama ang kalikasan, inaabuso, sinisira, ine-exploit ang kalikasan, para bang ang kalikasan ay para sa gamit lang ng tao,” pahayag ng Arsobispo.

Kaugnay nito hinimok ni Archbishop Tirona ang mga mananampalataya na maging matatag at suriing mabuti ang tunay na mga suliraning kinakaharap ng kalikasan.

Naninindigan ang Arsobispo sa katatagan sa pagtuligsa sa anumang bagay na sumisira sa kapaligiran ang kinakailangan upang mapag-ibayo ang sinimulan ng Santo Papa sa kanyang Encyclical na Laudato Si.

“Alam natin ang isyung na kaakibat at nakadikit sa issue ng kalikasan na yung mga pag-aabuso, greed, exploitation kaya dapat maging malakas tayo, matatag tayo sa pagtutuligsa ng anumang mga bagay na kumokontra at sumisira ng kalikasan, in other words, huwag tayong maguguluhan magfocus tayo, sabi nga, to solve a problem, you must know the problem.” Pagbabahagi pa ni Abp. Tirona.

Taong 2015 nang Isapubliko ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Encyclical na Laudato Si para sa kalikasan.

Labis itong ipinagbunyi ng mga makakalikasang grupo, at hinangaan maging ng iba’t-ibang indibidwal mula sa ibang Relihiyon dahil sa pagbubuklod ng Santo Papa sa bawat isa para sa mas malaking layunin na maprotektahan ang natatangi nating daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 61,023 total views

 61,023 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 135,637 total views

 135,637 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 215,716 total views

 215,716 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 258,855 total views

 258,855 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 256,283 total views

 256,283 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 348,493 total views

 348,493 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top