Sister Pat, nagpapasalamat sa sumuporta sa nagdasal sa kanya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total views

Mananatili pa rin sa bansa ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox makaraang katigan ng Department of Justice ang isinumiteng ‘motion for reconsideration’ sa kanselasyon ng Bureau of Immigration sa kaniyang ‘missionary visa’.

Ayon sa DOJ, walang sapat na batayan para sa ‘visa cancellation’ hanggat hindi pa nareresolba ang deportation case na isinampa laban kay Sr. Fox sa sinasabing pakikialam sa ‘political activity’ sa bansa.

“At naniniwala tayo, nagdasal tayo ay nakikinig ang Diyos,” ayon kay Sr. Fox.

Sa programang Veritas Pilipinas, nagpahatid ng kaniyang pasasalamat ang madre sa mga suporta at nagdasal upang siya ay manatili sa Pilipinas.

“Maraming salamat, para sa lahat ng nagdasal para sa akin. Nakatulong ito para sa desisyon tapos upang maging malakas ako na magpatuloy kasi sa paniniwala ko tama ang ginawa ko para sa mahihirap, naapi. At sana tuloy-tuloy kasi may deportation case pa rin ako,” pahayag ni Sr. Fox.

Naniniwala ang madre na wala siyang nilabag na batas sa halip ay nakakapaghatid siya ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Si Sr. Fox ay ang provincial superior ng Notre Dame de Sion na nakabase sa Pilipinas na inaresto noong April 16 dahil sa pagdalo sa mga kilos protesta ng mga manggagawa sa Davao City.

Sa isang mensahe ni Pope Francis noong World Day of Consecrated Life – sinabi niyang ang mga gawain ng mga relihiyoso ay isang tunay na kalayaan ng pagtalikod sa kamunduhan dahil sa pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 60,087 total views

 60,087 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 134,701 total views

 134,701 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 214,780 total views

 214,780 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,919 total views

 257,919 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 255,429 total views

 255,429 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top