Panagutin sa Batas ang mga Priest Killer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 779 total reads

Nananawagan ang isang Opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa Pamahalaan, sa Simbahan at mamamayan na huwag ilihis ang usapin sa pag-aarmas ng mga Pari, kundi dapat ituon ang pagtugis sa mga pumapatay sa Pari.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, malinaw ang paninindigan ng CBCP na hindi naakma sa mga Pari ang pagkakaroon ng armas na taliwas sa kanilang Misyon na Pagpapalaganap ng Kapayapaan.

“Ang usapin dito may mga paring pinapatay. Ang dapat dito na hanapin ay yung pumatay at kung sinong nasa likod ng pagpatay. Nalilihis tayo sa isyu. Ang talagang malaking isyu dito na dapat pinagtutunan ng pansin ng pulisya, ng simbahan, ng publiko ay yung pagpapatay at hindi ang pag-aarmas ng pari,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Iginiit ni Father Secillano na nagsalita na ang CBCP at malinaw ang paninindigan na hindi pagsang-ayon sa pag-aarmas ng mga Pari.

“The world has its own standards but then again the standards of the church may not be practical for many of us but then that’s where the priests are coming from,” paglilinaw ni Father Secillano.

Binigyan diin ni Father Secillano na mahalagang mahinto ang karahasan hindi lamang sa mga Pari kundi sa iba pang mga biktima ng pagpaslang at makamit ang katarungan.

Ipinaliwanag ni Father Secillano na kung may Pari mang may baril ay nilinaw nito na hindi ito ang panuntunan ng Simbahan.

Sa halip na pag-aarmas, sinabi ni Fr. Secillano na maari namang humingi ng tulong ang mga Pari sa Philippine National Police (PNP) para magkaroon ng ‘Security Detail’ sa kanilang kaligtasan.

Read: Pag-aarmas, isinantabi ng mga Pari ng Diocese of San Pablo Laguna.

Read: CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

Si Fr. Richmond Nilo ng Cabanatuan ang ikatlo sa mga biktima ng pinatay na Pari kasunod nina Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese ng Tuguegarao, at Fr. Marcelito Paez ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija.

Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco ang mga gumagawa ng baril at ang pagkakaroon nito ay nangangahulugan ng lamang ng kawalang tiwala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,198 total reads

 150,198 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,219 total reads

 223,219 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,667 total reads

 256,667 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 291,966 total reads

 291,966 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,666 total reads

 512,666 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top