Pagtuturo ng mabuting asal sa mga bata, malaking hamon sa mga magulang at guro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,019 total reads

Malaking hamon sa mga magulang at mga guro ang pagtuturo ng mabuting asal sa mga kabataan dahil sa epekto ng mga nakikita sa kapaligiran partikular na sa pag-uugali ng ilang lider ng bansa.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Partylist Representative Antonio Tinio, labis ang epekto sa mga kabataan ng pagmumura, pambabastos at kawalan ng paggalang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapwa na nakikita sa telebisyon.

“Malaking challenge po para sa magulang na nagpapalaki ng anak at para sa mga teachers sa kanilang mga estudyante dahil kung ang pangulo natin mismo na siyang dapat pangunahing role model sa mga kabataan ay nagpapakita ng masamang halimbawa.” pahayag ni Tinio sa Radio Veritas.

Sa kabila nito ay dapat mas pag-ibayuhin ang pagtuturo sa mga kabataan ng magandang pag-uugali tungo sa kapwa at sa bayan na pinahahalagahan ang karapatan ng bawat isa.
Ipinaliwanag ng mambabatas na panahon na upang magtampok ng ibang role model sa mga kabataan at mamamayan dahil marami pa rin ang mga Filipinong marangal at may paggalang sa kapwa na magsisilbing magandang halimbawa sa bayan.

Batay sa panukala ng Department of Education, iminumungkahi nito ang pagkakaroon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) Class sa mahigit 27 -milyong mag-aaral sa bansa sa ilalim ng K – 12 program.

Layunin ng DepEd na matugunan ang pagbabago ng lipunan na nakakaapekto sa pag-uugali ng kabataan dulot ng makabagong teknolohiya at iba’t ibang kaganapan sa kapaligiran.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa pagtitipon ng mga guro sa Italya, binigyang diin nito na bagamat nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa pagtuturo ng asignatura, mas mahalagang maibahagi sa mga kabataan ang pagmamahal, pag-uunawa at pagpapahalaga sa kapwa, mga mahalagang salik upang magkakasundo at magkaisa ang bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,490 total reads

 122,490 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,168 total reads

 157,168 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,326 total reads

 179,326 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 215,812 total reads

 215,812 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,477 total reads

 226,477 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tao, dapat pangalagaan ng simbahan at hindi AI

 4,107 total reads

 4,107 total reads Nagbabala ang isang pari na maaaring maging mas “artipisyal” ang tao kaysa sa artificial intelligence kung hindi mapangangalagaan ang kanyang pagkakakilanlan, dignidad at

Read More »
Scroll to Top