Pag-aresto sa mga Tambay, Kalabisan na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Kalabisan na ang pag-aresto sa mga tambay sa mga lansangan na wala namang ginawang Kasalanan o Krimen sa pamayanan.

Ito ang paninindigan ni Diocese of San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa kampanya Kontra Tambay ng Philippine National Police.

Ipinaliwanag ng Obispo na dahil sa kahirapan sa buhay ng maraming pamilyang Pilipino ay hindi kataka-taka ang pananatili ng ilan sa mga lansangan upang maging maaliwalas ang pakiramdam mula sa init sa loob ng kanilang maliliit na tahanan.

Nagpahayag naman ng pagsang-ayon si Bishop Famadico na dapat maging kagalang-galang ang mga tambay sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan sa pagsusuot ng damit.

“Tayo naman ay karamihan sa atin ay mga dukha, kapag ikaw ay mananatili doon sa loob ng bahay ay napakainit, mabuti pang lumabas sa kalsada at doon ka magpalamig, kaya lang syempre dapat mo ring respetuhin yung mga nasa labas at ikaw ay hindi pumunta sa labas ng nakahubad, kasi yung labas, it’s a public place kaya ito ay iyong igagalang na ito ay lugar para sa lahat pero kung ikaw ay aarestuhin dahil sa ganun ay sobra naman yun…” pahayag ni Bishop Famadico sa Radio Veritas

Humigit-kumulang sa 10-libong mga tambay ang dinakip ng Philippine National Police mula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-13 ng Hunyo ang pag-aresto sa mga itinuturing na Potensiyal na gagawa ng Krimen.

Sinasabi ng PNP na kabilang sa mga pangunahing nilabag ng mga tambay na naaresto ay ang umiiral na Curfew, pag-inom ng alak sa mga Pampublikong lugar, mga kalalakihang walang pang-itaas na damit, paninigarilyo at maging ang paglabag sa mga Batas trapiko at iba pang Lokal na Ordinansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 67,560 total reads

 67,560 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 115,851 total reads

 115,851 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 163,723 total reads

 163,723 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 267,668 total reads

 267,668 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 350,576 total reads

 350,576 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top