Publiko, hinimok na manindigan laban sa pangungutya ng pangulong Duterte sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Hinikayat ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang bawat mananampalataya na huwag ipagwalang bahala ang pangungutya at panlalapastangan na ginagawa ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Panginoon.

Umaasa si Marita Wasan, pangulo ng Sanguniang Layko na magkaisa ang tinig ng mga Kristiyano sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.

“Kumilos na tayo, magsalita na tayong lahat at ipinakita natin ang pagtutol sa ginagawa ng Pangulo. Gumising tayo para sa ating kababayan, ating pamilya, ating mga anak at para sa susunod na henerasyon dahil maling ‘values’ ang itinuturo sa atin,” ayon kay Wasan.

Ayon kay Wasan, hindi na dapat tumatawa at pumapalakpak ang mamamayan sa mga pahayag ng Pangulo tulad ng pambabastos sa kababaihan, pagbabanta sa kapwa at pagmumura sa Panginoon.

Sinabi ni Wasan na ang pangyayari ding ito ay isang paraan na masuri ang kalagayan ng bansa at ang kahalagahan ng tamang paghahahal ng mga pinuno ng gobyerno.

“Walang kulay, hindi yan dilaw, hindi yan pula, kundi ito ang ating papel bilang katoliko na ipagtanggol ang mga naaapi, ang mga mahihirap,” dagdag pa ni Wasan.

Ang Pilipinas na binubuo ng 100 milyong populasyon kung saan kabuuang 86 na milyon sa mga ito ay pawang mga katoliko at 99 na porsiyento ang mga layko o mga binyagan.

Una na ring inihayag ng simbahan na ang misyon ng mga layko ay bigyang buhay ang mga gawain ng simbahan para sa pagpapanibago ng sekular na lipunan at pagsasabuhay ng pananampalataya sa bawat sektor na kinaaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 64,206 total reads

 64,206 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,800 total reads

 112,800 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,672 total reads

 160,672 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 264,617 total reads

 264,617 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 347,639 total reads

 347,639 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top