Radio Veritas, Pangulo ng CBCP, Positibo sa pakikipagdayalogo kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total views

Kabutihan ang maaring bunga ng pakikinig at pakikipag-usap.

Ito ang pahayag ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mungkahing dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at simbahang Katolika maging iba pang sekta na nasaktan sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglapastangan nito sa ngalan ng Diyos.

Ayon kay Archbishop Valles, ang pakikipag-usap ay mahalagang sangkap para sa pagkakasundo.

“That is most welcome development. To dialogue; is to listen to one another, is always good,” ayon sa mensahe ni Archbishop Valles.

Sa isang pahayag sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na itinalaga siya ng punong ehekutibo bilang miyembro ng komite kasama sina Foreign Affairs undersecretary Ernesto Abella at Edsa People Power Commission member Pastor Boy Saycon.

Layunin ng direktiba ng pangulo na humupa na ang tensyon na nilikha kanyang mga pahayag laban sa Panginoong Diyos at sa Simbahang Katolika.

Kaugnay nito, hindi kumbinsido si Manila Archbishop Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa Sensiridad ng Pangulo para sa pakikipag-usap.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on the Laity chairman Bishop Broderick Pabillo, taktika lamang ito ng pangulo para pahinain ang galit ng mga Filipino.

“Palusot lang iyan para ma-diffuse ang criticism sa kanya,” ayon kay Bishop Pabillo.

Sinabi pa ng Obispo na sakaling ang Pangulo mismo ang humiling para sa pag-uusap; “Let him request it,.

Una na ring inihayag ni dating CBCP President Archbishop Jose Palma na maaring talakayin sa gaganaping ‘Plenary Assembly’ sa susunod na buwan ang usapin sa pagitan ng Pangulo at ng Simbahan.

Ang Pilipinas na binubuo ng mayorya ng mga Katoliko na may kabuuang 86 na Milyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,200 total views

 46,200 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,069 total views

 42,069 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,271 total views

 78,271 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,006 total views

 87,006 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,418 total views

 112,418 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top