CBCP, Inaasahang maglalabas ng matibay na paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total reads

Umaasa si Sr. Mary John Mananzan, OSB, dating Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines na magkaroon ng isang matibay na paninindigan at pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines matapos ang kanilang ika-117 Plenary Assembly.

Ayon sa Madre, mahalagang pangunahan ng kalipunan ng mga Obispo sa ating Bansa ang panawagan upang mapagkaisa ang bawat Katoliko sa gitna ng kasalukuyang nagaganap na kaguluhan sa lipunan.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, kinakailangan ng mga Layko o ng mga mananampalataya ng gabay ng mga Obispo upang maipaliwanag ang nagaganap sa lipunan at matugunan ito ng sama-sama sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“I hope the CBCP will come up with a strong resolution kasi may meeting sila ngayon diba that unite all of us na mga Katoliko, basta gusto ko na they will call on us, all of us to be really united in something that will unite us all yun, there should be a strong statement nila sa mga to tell us what is this that is happening to us and because of this all of us Catholic should do this, ganun, yun ang ini-expect ko sa CBCP…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagsimula ang ika-117 Plenary Assembly ng CBCP noong Biyernes ika-6 ng Hulyo kung saan dumalo sa pagtitipon ang mahigit sa 80 mga Obispo mula sa iba’t ibang Diyosesis sa buong bansa.

Kabilang sa natalakay ang mga pangunahing usaping panlipunan na nagaganap sa kasalukuyan kabilang na ang pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa Bansa.

Noong Enero ay tinalakay ng mga Obispo sa ika-116 na CBCP Plenary na unang beses na isinagawa sa Cebu City ang bagong guidelines na nagmula sa Roma patungkol sa Priestly Formation o ang tamang paghubog sa mga mayroong Bokasyon sa pagpapari at madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,296 total reads

 63,296 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,192 total reads

 142,192 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,637 total reads

 175,637 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,936 total reads

 210,936 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,908 total reads

 434,908 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top