Sobrang karunungan, Magsasara sa puso ng isang tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Kardinal Tagle ang mga mananampalataya na tularan ang kadalisayan ng puso ni Santa Maria Goretti.

Ibinahagi ni Kardinal Tagle na hindi kailangang sundan ang halimbawa ng pagiging birhen ni Santa Maria Goretti upang magkaroon ng malinis at dalisay na puso, dahil sa iba’t-ibang estado ng buhay ng mga tao ay maaari itong matularan.

Ayon kay Kardinal, maging isa mang guro, pulis, negosyante, mag-aaral, o relihiyoso ay maaaring mamuhay sa kalinisan, kung i-aalay natin ang ating buhay sa kalooban ng Panginoon.

“Her purity was not just the body, it was the purity of the heart that has vowed to the Lord. “I will be yours,” in this state of life then she became heroic.” pahayag ni Kardinal Tagle.

Dagdag pa ng Kardinal, ang pagkakaroon ng bukas na puso ang isa sa mga susi, upang matanggap ng bawat tao ang pagpapala ng Diyos, at makapamuhay sa kalinisan.

Inihalimbawa ng propetang si Amos, naging bukas ang kanyang puso sa pagtanggap sa misyong iniaatas ng Panginoon, sa kabila ng kanyang kahinaan bilang isang tao.

Dahil dito, naniniwala si Kardinal Tagle na ang malinis na kalooban ng tao ay nakadarama ng pagkilos ng Panginoon at nakahanda itong tumalima anumang oras, kahit na hindi nito lubos na nauunawaan ang plano ng Diyos.

Samantala, nagbabala naman ang Kardinal na marapat nating bantayan ang ating puso at ang karunungang taglay ng ating isip.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang sobrang kaalaman ay maaaring magdulot ng pagsasara ng puso ng tao na nagiging dahilan upang mawala ang kadalisayan nito.

“Minsan po yung sobrang dalubhasa nawawala yata yung purity of heart sa sobrang galing hindi na siya yung simple nalang na naniniwala, lahat na i-aanalyze… Sa dami ng alam, yung puso sumasara nang sumasara,” pagbabahagi ni Kardinal.

Naniniwala si Cardinal Tagle na si Santa Maria Goretti ay marapat lamang maging Santong huwaran ng lahat ng tao dahil sa kadalisayan ng kanyang puso.

Iginiit ng Kardinal na anuman ang ating propesyon o katayuan sa buhay ay marapat lamang maging bukas sa pagsunod sa Panginoon at maging handa sa pag-aalay ng buhay sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,292 total reads

 63,292 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,188 total reads

 142,188 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,633 total reads

 175,633 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,932 total reads

 210,932 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,904 total reads

 434,904 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,913 total reads

 37,913 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,799 total reads

 30,799 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top