CBCP, Inaasahang maglalabas ng matibay na paninindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 382 total reads

Umaasa si Sr. Mary John Mananzan, OSB, dating Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines na magkaroon ng isang matibay na paninindigan at pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines matapos ang kanilang ika-117 Plenary Assembly.

Ayon sa Madre, mahalagang pangunahan ng kalipunan ng mga Obispo sa ating Bansa ang panawagan upang mapagkaisa ang bawat Katoliko sa gitna ng kasalukuyang nagaganap na kaguluhan sa lipunan.

Paliwanag ni Sr. Mananzan, kinakailangan ng mga Layko o ng mga mananampalataya ng gabay ng mga Obispo upang maipaliwanag ang nagaganap sa lipunan at matugunan ito ng sama-sama sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“I hope the CBCP will come up with a strong resolution kasi may meeting sila ngayon diba that unite all of us na mga Katoliko, basta gusto ko na they will call on us, all of us to be really united in something that will unite us all yun, there should be a strong statement nila sa mga to tell us what is this that is happening to us and because of this all of us Catholic should do this, ganun, yun ang ini-expect ko sa CBCP…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Nagsimula ang ika-117 Plenary Assembly ng CBCP noong Biyernes ika-6 ng Hulyo kung saan dumalo sa pagtitipon ang mahigit sa 80 mga Obispo mula sa iba’t ibang Diyosesis sa buong bansa.

Kabilang sa natalakay ang mga pangunahing usaping panlipunan na nagaganap sa kasalukuyan kabilang na ang pagsusulong ng ganap na kapayapaan sa Bansa.

Noong Enero ay tinalakay ng mga Obispo sa ika-116 na CBCP Plenary na unang beses na isinagawa sa Cebu City ang bagong guidelines na nagmula sa Roma patungkol sa Priestly Formation o ang tamang paghubog sa mga mayroong Bokasyon sa pagpapari at madre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,506 total reads

 5,506 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,797 total reads

 40,797 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,281 total reads

 77,281 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,492 total reads

 95,492 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,536 total reads

 179,536 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 38,960 total reads

 38,960 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top