Sobrang karunungan, Magsasara sa puso ng isang tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 579 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Kardinal Tagle ang mga mananampalataya na tularan ang kadalisayan ng puso ni Santa Maria Goretti.

Ibinahagi ni Kardinal Tagle na hindi kailangang sundan ang halimbawa ng pagiging birhen ni Santa Maria Goretti upang magkaroon ng malinis at dalisay na puso, dahil sa iba’t-ibang estado ng buhay ng mga tao ay maaari itong matularan.

Ayon kay Kardinal, maging isa mang guro, pulis, negosyante, mag-aaral, o relihiyoso ay maaaring mamuhay sa kalinisan, kung i-aalay natin ang ating buhay sa kalooban ng Panginoon.

“Her purity was not just the body, it was the purity of the heart that has vowed to the Lord. “I will be yours,” in this state of life then she became heroic.” pahayag ni Kardinal Tagle.

Dagdag pa ng Kardinal, ang pagkakaroon ng bukas na puso ang isa sa mga susi, upang matanggap ng bawat tao ang pagpapala ng Diyos, at makapamuhay sa kalinisan.

Inihalimbawa ng propetang si Amos, naging bukas ang kanyang puso sa pagtanggap sa misyong iniaatas ng Panginoon, sa kabila ng kanyang kahinaan bilang isang tao.

Dahil dito, naniniwala si Kardinal Tagle na ang malinis na kalooban ng tao ay nakadarama ng pagkilos ng Panginoon at nakahanda itong tumalima anumang oras, kahit na hindi nito lubos na nauunawaan ang plano ng Diyos.

Samantala, nagbabala naman ang Kardinal na marapat nating bantayan ang ating puso at ang karunungang taglay ng ating isip.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang sobrang kaalaman ay maaaring magdulot ng pagsasara ng puso ng tao na nagiging dahilan upang mawala ang kadalisayan nito.

“Minsan po yung sobrang dalubhasa nawawala yata yung purity of heart sa sobrang galing hindi na siya yung simple nalang na naniniwala, lahat na i-aanalyze… Sa dami ng alam, yung puso sumasara nang sumasara,” pagbabahagi ni Kardinal.

Naniniwala si Cardinal Tagle na si Santa Maria Goretti ay marapat lamang maging Santong huwaran ng lahat ng tao dahil sa kadalisayan ng kanyang puso.

Iginiit ng Kardinal na anuman ang ating propesyon o katayuan sa buhay ay marapat lamang maging bukas sa pagsunod sa Panginoon at maging handa sa pag-aalay ng buhay sa Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,484 total reads

 5,484 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,775 total reads

 40,775 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,259 total reads

 77,259 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,470 total reads

 95,470 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,515 total reads

 179,515 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,322 total reads

 378,322 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top