Arsobispo ng Cebu, Tiniyak na walang banta sa kanyang buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 474 total reads

Tiniyak ni Cebu Archbishop Jose Palma na walang banta laban sa kanyang buhay.

Ito ay kaugnay sa Insidente ng pamamaril sa loob ng Archbishop Palace sa Cebu City kung saan nasawi si Jeffrey Cañedo.

“Honestly nothing that I know of. I’m not a good person pero palagay ko wala naman attempt in my life,” ayon sa pahayag ni Archbishop Palma.

Si Archbishop Palma ay kasalukuyang nasa General Santos City nang maganap ang insidente.

Sa ulat ng Pulisya, hinahanap ni Jeffrey ang Arsobispo subalit nakitang balisa ito at may dalang armas kaya’t tumawag ng Pulis ang mga guwardya ng Residencia.

Si Cañedo ay nabaril at napatay nang magtangka itong manlaban sa mga Pulis.

Nakuha sa Crime Scene ang isang baril at patalim na sinasabing dala ni Cañedo.

“On the one hand naawa din ako sa tao. On the other hand yung iba akala nila there is an attempt in my life wala naman so, sabi ko I appreciate yung mga text of concern,” ayon kay Archbishop Palma sa panayam ng Radio Veritas.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas, sinabi ng Arsobispo na nakipag-usap na rin ang Ama ni Jeffrey sa kaniya at nagpasalamat sa tulong ng Simbahan para sa anak na nasawi.

Kinumpirma rin ng Ama ni Jeffrey na ito ay Mentally Depressed.

“When he thanked me I feel so humbled ba kasi namatayan nga sila. If he get mad at me okay lang sa amin,” dagdag pa ng Arsobispo.

Una na ring ipinag-utos ng Arsobispo ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawi at ang panalangin na rin sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 33,126 total reads

 33,126 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 69,762 total reads

 69,762 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 87,973 total reads

 87,973 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 172,301 total reads

 172,301 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 208,177 total reads

 208,177 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top