Administrasyong Duterte, binibigyang katwiran ang pagiging talunan sa West Philippine Sea

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 623 total reads

Mahalagang ipaglaban ng pamahalaan ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil malaking tulong ito para sa pag-unlad ng Bansa at ng bawat mamamayan.

Ito ang inihayag ni dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay kaugnay sa pananahimik ng kasalukuyang Administrasyon sa usapin ng West Philippine Sea.

“Napakaimportante ang napanalunan natin dahil ang West Philippine Sea ang pinanggagalingan ng ating isda, trabaho, ng ating mga kayamanan, diyan din po nakasalalay yung ating Energy Security dahil diyan manggagaling ang ating oil and gas kaya hindi maari tahimik nalang po ang Gobyerno at parang ipinamimigay ang ating karapatan sa ating karagatan.” pahayag ni Hilbay sa panayam ng Radio Veritas.

Sa panig ng pamahalaan, sinasabi nitong maaring humantong sa pagtatalo ang usapin sa naturang karagatan at sumiklab ang digmaan na iniiwasan ng kasalukuyang Administrasyon.

Nanindigan naman si Hilbay na mali ang pananaw ng Pamahalaan at dahilan lamang ito para bigyang katwiran ang pagiging talunan ng Bansa.

Iginiit pa ng dating opisyal na walang interes ang China sa digmaan dahil sila mismo ang matatamaan kung sisiklab ang digmaan sa South China Sea at West Philippine Sea.

Aniya, maraming diplomatikong pamamaraan ang maaring gawin ng pamahalaan upang igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea upang ito ay tuluyan ng mapakinabangan ng mga Filipino.

Magugunitang Hulyo 2016, dalawang taon ang nakalipas ng inilabas ang desisyon ng Arbitral Tribunal ng The Hague pabor sa Pilipinas na sinasabing napapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa ang mga isla at karagatang inaangkin ng China.

Kaugnay dito hinimok ni Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio ang pamahalaan ng Pilipinas na hilingin sa United Nations at ASEAN na gawing official red line ang Scarborough Shoal sa pinag-aagawang teritoryo.

Batay sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea saklaw ng 200 – Nautical Miles EEZ ng Pilipinas ang pinag-aagawang Terotoryo.

Magugunitang nagpalabas ng Oratio Imperata ang Catholic Bishops Conference of the Philippines noong Hulyo 2015 na layuning ipanalangin ang mapayapang paglutas sa agawan ng teritoryo ng West Philippine Sea.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,364 total reads

 125,364 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,461 total reads

 262,461 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,237 total reads

 378,237 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,523 total reads

 493,523 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top