Kaunlaran, Matatamasa ng Pilipinas kung mayroong kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 541 total reads

Tanging sa pagkakaroon lamang ng ganap na kapayapaan sa Bansa magmumula ang maunlad at mapayapang pamumuhay ng mamamayan.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum, lubos na mahalagang maisulong at maipagpatuloy ang Peacetalks o ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Pamahalaan at ng mga Komunistang grupo sa Bansa.

Dahil dito umaasa ang Obispo na magiging bukas ang isipan ng mga Opisyal ng Bayan na may tunay na pagmamalasakit sa Bansa na isulong ang usapang Pangkapayapaan.

Naninindigan si Bishop Iniguez na sa pamamagitan lamang ng Peace talks matatalakay ang mga naaangkop na hakbang kung papaano makakamit ang pangmatagalang kaayusan at kapayapaan.

“Bigyan ng pansin ng mga nagmamalasakit para sa bayan na maituloy ang Peacetalks between the Philippine Government at saka yung Democratic Front kasi ang kapayapaan yan yung General Situation natin para talagang mabuhay tayo ng nagkakaisa, mabuhay tayo sa kaunlaran…” pahayag ni Bishop Iniguez sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na tanging ang usapang pangkapayapaan lamang ang Solusyon upang magkaroon ng ganap na pagkakasundo ang iba’t ibang Rebeldeng grupo at ang Pamahalaan na sa loob ng mahabang panahon ay patuloy ang labanan.

Kaugnay nito, bago pa muling maisantabi ang usapang pangkapayapaan ay nakapagsagawa na ng 5th round ng Peace talks ang Pamahalaan at CPP-NPA-NDF panel na tumutok sa usapin ng Social and Economic Reforms.

Gayunpaman, batay sa tala ng Alliance for the Advancement of Poeple’s Rights o Karapatan mula noong May 2016 ay mahigit na sa 500 ang mga itinuturing na Political Prisoners ang ilegal na inaresto ng Pamahalaan.

Naunang binigyang diin ni Pope Francis na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan sa Pamamagitan ng armas kundi sa isang payapang Dayalogo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,054 total reads

 37,054 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,447 total reads

 263,447 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,914 total reads

 156,914 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,945 total reads

 250,945 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,417 total reads

 293,417 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top