Caritas Manila at Quiapo Church, Tutugon sa panawagang tulong ng Diocese of Lingayen-Dagupan,Tarlac at San Fernando Pampanga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 768 total reads

Umaapela ng tulong at panalangin ang mga Diyosesis na naaapektuhan ng masamang panahon partikular na sa Luzon Region.

Ayon kay Rev. Fr. Estephen Espinosa, Social Action Director ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, ilang mga Munisipalidad sa Pangasinan ang Lubog ngayon sa Baha dahil sa ilang araw na Pag-ulan.

“Currently, may municipalities po tayo na Isolated po talaga because they are low lying and binabaha pa rin as of the moment. Kagaya po ng Dagupan, kung saan po naroroon ang ating Cathedral at saka yung mga malapit na Municipalities katulad ng Calisiao at Sta. Barbara” ani Fr. Espinosa sa Radio Veritas

Sinabi ni Fr. Espinoza na nag-ikot na ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika sa mga Evacuation Center at kasalukuyan na rin nagsasagawa ng pagkilos ang Arkidiyosesis para makatulong sa mga apektadong pamilya.

“Kagabi, yung ibang mga Directors po natin ng Social Action naglibot sa kani-kanilang mga Parokya at bumisita po sa Evacuation Centers. May isang Parish kung saan yung Simbahan ay ginawa na rin pong Evacuation Center, isa pong Barangay Parish dito sa may Calasiao.” Ani pa ni Fr. Espinoza.

Kaugnay nito, kumikilos na din ang Diocese ng Tarlac partikular na ang tanggapan ng Caritas Tarlac para makatugon sa pangangailangan ng mga Apektadong Residente.

Ayon kay Fr. Randy Salunga, taga-pamahala ng Caritas Tarlac, Bukas ang kanilang tanggapan para sa ano mang Tulong at Donasyon para sa ating mga kababayan lalo na’t aminado sila na malaking bilang ng mga Pamilya ang naapektuhan sa kanilang lalawigan.

“Una po kami po’y humihingi po talaga ng tulong mula sa ating mga tagapakinig po na kailangang kailangan po talaga namin ang inyong tulong at kung nais niyo pong magpadala ng mga pagkain o kagamitan man po para sa ating mga kababayan na nasalanta po, dito po sa Caritas Tarlac Center sa barangay San Luiz Tarlac City dito po natin ginagawa yung pagtulong natin.” Pahayag ni Fr. Salunga.

Kaugnay nito kasalukuyan na din nagsasagawa ng pagtulong ang Archdiocese of San Fernando sa lalawigan ng Pampanga sa mga Apektadong Munisipalidad ng Macebebe, Masantol, Candaba at Sasmuan habang inaasahan din ang Relief Operation sa Guagua at Apalit.

Tiniyak naman ng Caritas Manila at Quiapo Church ang pagsasagawa ng pagtulong sa mga apektadong Diyosesis.

Magugunitang sa kasalukuyan ay nararanasan ang Epekto ng Bagyong Josie sa Pilipinas kasabay ng patuloy na Epekto ng Habagat.

Ito na ang ikatlong bagyo na pumasok sa bansa sa nakalipas na ilang linggo matapos dumaan ang bagyong Henry at Bagyong Inday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hustisyang matagal nang hinihintay

 302 total reads

 302 total reads Mga Kapanalig, sisimulan na ngayong araw ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (o ICC). Siya ang kauna-unahang dating

Read More »

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 150,131 total reads

 150,131 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 208,297 total reads

 208,297 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 344,802 total reads

 344,802 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 125,037 total reads

 125,037 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top