Ibahagi ang alab ng puso na nagmula kay Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng mga delegado ng PCNE5 ngayong taon na isinagawa sa University of Santo Tomas.

Ayon kay Cardinal Tagle, taon-taon ay layunin ng PCNE na mapag-alab ang puso ng bawat isa upang mas mapalawak pa ang Ebanghelisasyon ng Simbahang Katolika.

“Taon taon naman kasi ito ay tungkol sa New Evangelization sana mag-alab ang puso ng bawat isa lalo na yung nandito at yung mga sumusubaybay kasi yun naman ang Evangelization…” pahayag ni Cardinal Tagle sa panayam sa Radyo Veritas.

Dahil dito umaasa ang Cardinal na hindi lamang sarilihin ng mga delegado ang kanilang mga karanasan, nasaksihan at mga mensaheng nadinig sa naganap na komperensya sa halip ay ibahagi ito sa kanilang mga kapanalig, kapamilya, kaibigan, samahan, kumunidad, at higit sa lahat ay sa mga nangangailangan ng tulong at gabay.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, ang pag-aalay ng sarili sa kapwa partikular na sa mga nangangailangan ang tunay na dapat na maging Bunga at resulta ng Komperensya.

“Yung natanggap nating alab mula kay Hesus huwag sarilihin, ibigay sa ating mga pamilya, sa ating samahan, sa ating trabaho at lalo na doon sa mga talagang nangangailangan ng pag-ibig, ang mga naghihirap, ang mga nakaranas ng mga hindi magaganda sa buhay, yun ang anu paman ang nagiging topic ng PCNE sa bandang huli sana yun ang maging bunga…” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Samantala, inihayag naman ng Cardinal na muling pag-aaralan ng pamunuan ng Philippine Conference on New Evangelization ang paglalaan ng dalawang araw para sa mga kabataan sa susunod na edisyon ng PCNE kaalinsabay ng Year of the Youth.

Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, ang paglalaan ng unang dalawang araw ng PCNE para sa mga Religious at Clergy ngayong taon ay bilang paggunita sa idineklara ng mga Obispo na Year of the Clergy and Consecrated Persons na bahagi naman ng paghahanda sa ika-500 Anibersaryo ng Kristyanismo sa Pilipinas.

“Itong taon na ito nagkaroon ng ganoon (2-araw para sa mga religious at clergy) dahil ano ngayon eh idineklara ng mga Obispo na Year of the Clergy and Religious o Consecrated People., Ngayon titingnan mukhang maganda yung karanasan kasi next year Year of the Youth, ewan natin baka yung PCNE ay magkaroon ng dalawang araw din na kabataan naman, tingnan natin ayokong mangako yan ay pag-aaralan namin…” Pagbabahagi ni Cardinal Tagle.

Nagsimula ang limang araw na Philippine Conference on New Evangelization noong ika-18 ng Hulyo kung saan inilaan ang unang 2 araw ng pagtitipon para sa mga Clergy at Religious mula sa iba’t ibang Kongregasyon at Diyosesis sa buong Bansa at nagtapos noong linggo ika-22 ng Hulyo.

Tema ngayong taon ang “Moved with Compassion… Feed the Multitude” na naglalayung mapalalim pa ang kamalayan ng mga mananampalataya sa pagbabahagi ng habag sa kapwa.

Batay sa tala ng pamunuan ng PCNE, umabot sa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga Delegado ngayong taon kung saan sa bilang na ito 3,000 ang mga Religious at Clergy.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,052 total reads

 37,052 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,445 total reads

 263,445 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,912 total reads

 156,912 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,943 total reads

 250,943 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,415 total reads

 293,415 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top