Simbahan sa pamahalaan at mambabatas, isulong ang restorative justice hindi death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 786 total reads

Sinusugan ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry ang naging deklarasyon ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap kailanman ang pagpapataw ng Death Penalty.

Ayon kay Caritas Manila RJ Program Coordinator Sr. Zeny Cabrera, kaisa ni Pope Francis at ng buong Simbahan ang Restorative Justice Prison Ministry sa pagtutol sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga bilanggo.

Pagbabahagi ng Madre, dahil sa naturang paninindigan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang RJ Ministry upang makapasok sa mga bilangguan at maidama ang pagpapahalaga sa buhay ng mga bilanggo.

“Kami rin ang tayo ng RJ (Restorative Justice) hindi kami umaayon sa Death Penalty kaya naman dahil sa dahilan na ito, patuloy kaming pumapasok at pumupunta sa mga bilanguan dahil naniniwala kami na sa paraang ito maipapahayag sa mga kinauukulan, sa mga bilanggo na pinahahalagahan namin ang kanilang buhay…” pahayag ni Sister Zeny Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng Madre na kabilang sa mga programang ipinagkakaloob ng Caritas Manila Restorative Justice Prison Ministry sa mga bilangguan ay ang pagmumulat sa kamalayan ng mga bilanggo sa kahulugan ng pagiging tao, ang kahalagahan ng dignidad at ang mga karapatang tinataglay ng bawat isa.

“Iyan ang dahilan kung bakit kami pumapasok (sa mga bilanguan), kasi ang ibinibigay namin ay mga session, magpapakita na nagpapahalaga kami sa kahulugan ng pagiging tao, yung kanilang dignidad, yung kanilang karapatan at yung kanilang pangangalaga sa kanilang buhay at sa kanilang pamilya, yun ang patuloy na ginagawa, gawain yan ng RJ (Restorative Justice)…” Pagbabahagi ni Sister Cabrera.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology noong 2017 tinatayang umaabot na sa higit 131 – libo ang bilang ng mga bilango sa buong bansa na karamihan ay may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang mga prisinto at mga piitan ay hindi dapat na magsilbing tapunan o lagakan sa mga nagkamaling indibidwal sa halip ay lugar kung saan muling maiaangat ang kanilang dignidad at kalagayan para sa muling pagbabalik ng kabutihan sa kanilang mga puso’t isip.

Naunang inihayag ni Pope Francis na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo labag din sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 34,916 total reads

 34,916 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 261,442 total reads

 261,442 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 154,909 total reads

 154,909 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 248,940 total reads

 248,940 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 291,524 total reads

 291,524 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top