CWL, Hinimok na payabungin ang pagbobokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Ang pagkakaisa ng mga kababaihan ay magbubunga ng dakilang bagay.

Ito ang inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., sa launching mass para sa paglulunsad ng paghahanda sa ika-100 taon ng Catholic Women’s League o CWL sa taong 2019.

Naniniwala ang Obispo na sa pamamagitan ng pinagsama-samang lakas ng mga kababaihan ay magiging malakas itong impluwensya sa lipunan.

“Women in league with each other can accomplish many things that are either good or bad. In the case of the Catholic Women’s League, you are in League with each other for something very beautiful, so that you want to become indeed disciples of the Lord and Missionary Servants’ Disciples practicing Charity, Work and Loyalty.” bahagi ng Homiliya ni Bishop Bacani.

Hinikayat ni Bishop Bacani ang mga miyembro ng CWL na impluwensyahan ang kanilang asawa, mga anak, o mga apo upang maging mas mabuting kristiyano at tagapaglingkod ng simbahan.

Iginiit nito na sa pamamagitan ng ganitong impluwensiya ng CWL ay makapagdadala ang grupo ng mabuting pagbabago sa lipunan.

“You can help your husband, your sons, your grandchildren, become people who will also serve the Lord in the society that we live in and which is unfortunately is not the society that we all desire to have in our lifetime,” Bahagi ng homiliya ni Bishop Bacani.

Hinimok din ng Obispo ang mga miyembro ng CWL na tulungan ang simbahan upang madagdagan ang mga Pari, Relihiyoso at relihiyosa.

Pagbabahagi ng Obispo, maaaring magkaroon ang CWL ng mga espesyal na proyekto upang maging mabuting mga pari at madre ang mga nagtalaga ng kanilang sarili, lalo na ngayong ipinagdiriwang ng Simbahan ang Year of the Clergy and Consecrated Persons.

“Napakalaki ng magagawa ninyo sa pagdami ng mga kaparian at mga people in consecrated life… You can have special projects in order to help people become good Priests, to help other people consecrated to the Lord and live their Consecration in the Mission that they do for the Church and for our Society.” Dagdag pa ng Obispo.

Sa kabuuan mayroon nang mahigit sa 250,000 ang mga miyembro ng Catholic Women’s League.

Itinatag ito noong Oktubre taong 1919, kaya naman puspusan na ang paghahanda nito para sa ika-100 Anibersaryo ng kanilang Organisasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 35,534 total reads

 35,534 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 262,015 total reads

 262,015 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 155,482 total reads

 155,482 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 249,513 total reads

 249,513 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 292,069 total reads

 292,069 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,336 total reads

 34,336 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,234 total reads

 27,234 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top