Ipagtanggol at protektahan ang mga Environmental Defender, Hamon ng Simbahan sa Pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 443 total reads

Naniniwala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na kinakailangang palawakin pa ang kaalaman ng mamamayan kaugnay sa kinakaharap na panganib ng mga nagtatanggol ng kalikasan.

Ayon sa Obispo, karaniwan nang naririnig ng mga tao ang mga namamatay mula sa tokhang subalit hindi pa nalalaman ng marami ang mga pinapatay na tagapagtangggol ng kalikasan.

Ikinalulungkot ni Bishop Pabillo, Chairman ng CBCP Epsicopal Commission on the Laity ang sinasapit ng mga environmental defenders.

Kaugnay nito, inihayag ni Bishop Pabillo na upang maprotektahan ang mga environmental defender ay kinakailangang mapalawak pa ang pagkakaunawa ng mga Filipino na maraming nagbubuwis ng buhay alang-alang sa pangangalaga sa kapaligiran.

“Nakakalungkot na maraming mga Environmental Defenders ang nagbubuwis ng buhay nila para sa environment at pinapatay…Marami ang nakakaalam tungkol sa mga Tokhang pero yung mga namamatay na mga Environmentalist o pinapatay ay marami pong hindi nakakaalam… So kailangan po natin ng mas marami pang kaalaman sa mga tao, kamulatan, upang mapanindigan natin at maipagtanggol itong mga environmentalist natin.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Naniniwala din si Bishop Pabillo na ilan sa mga dahilan ng pagpaslang sa mga Environmental Defenders ay ang usapin sa pagmimina at mga plantasyon.

Sinabi ng Obispo na karaniwan sa mga kawawang naiipit sa ganitong mga kaguluhan ay ang mga katutubong nagtatanggol sa kalikasan at sa kanilang lupaing ninuno.

Dahil dito, nanawagan din si Bishop Pabillo sa pamahalaan at sa sandatahang lakas ng bansa na gamitin sa tama ang kanilang puwersa at sigurhing na poprotektahan ang tunay na mabuti para sa mga mamamayan.

“Isa rin ay dahil po yan sa mga malalaking usually Mining Concerns at mga plantations. Sa halip na ipagtanggol yung mga Katutubo o mga Lumad, ang ipinagtatanggol ng ating Kapulisan ng ating pamahalaan ay yung mga mining concerns kaya nangyayari yun. Yun din po ay dapat tugunan na dapat pahagalagahan ang mga pangangailangan ng ating mga katutubo.” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Sa pag-aaral ng Global Witness, naitala ang taong 2017 bilang pinaka mapanganib na taon para sa mga environmental defeners.

Sa loob ng taong ito, umabot sa 207 ang insidente ng pagpaslang sa mga environmental activist mula sa 22 mga bansa.

Nangunguna naman ang bansang Pilipinas sa buong Asya, na may pinaka maraming Environmentalist na napaslang.

READ: Tumaas na Environmental defenders killings, Pingangambahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 32,075 total reads

 32,075 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 258,790 total reads

 258,790 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 152,257 total reads

 152,257 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 246,287 total reads

 246,287 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 288,986 total reads

 288,986 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,269 total reads

 34,269 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,169 total reads

 27,169 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top