TRAIN law, Binigyang katwiran ng DOF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 411 total views

Iginiit ng Department of Finance na marami ang naging benepisyo sa naunang ipinatupad na Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law 1.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino II, maliit na porsiyento lamang ang idinulot ng TRAIN law sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

“Sa totoo lang mayroon namang contribution ang TRAIN [Law] sa pagtaas ng presyo, kaso limitado ito kumpara sa naiisip ng nakararami, the rest galing po yan sa other factors tulad ng presyo ng oil import. Marami tayong benepisyo na natatanggap sa ngayon [TRAIN Law].” pahayag ni Lambino sa Radio Veritas.

Sinabi ni Lambino na halos 9 na sentimo lamang o 9 na pisong dagdag sa bawat gastos ng mga mamamayan ang dulot ng ipinatupad ng pamahalaan na reporma sa pagbubuwis.

Iginiit nito na ang malaking salik sa pagtaas ng inflation sa Bansa ay nagmumula sa ibang bagay tulad ng pagtaas ng presyo ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan, kakulangan ng suplay sa pagkain dulot ng pabago-bagong panahon.

Ipinaliwanag ni Lambino na nakikinabang ang mamamayan sa pagpapababa ng personal income tax kung saan nadadagdagan ang inuuwing sahod ng mga manggagawa.

Bukod pa ang pagbaba sa Estate Tax mula 20 porsiyento tungo sa 6 na porsiyento lamang at nakatakda ring aalisin sa susunod na taon ang ipinapataw na buwis sa mga gamot tulad ng gamot sa hypertension, high cholesterol at diabetes.

Sa 5.7 porsiyentong Inflation Rate sa Bansa noong Hulyo, nangunguna pa rin dito ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain na isinisi ng karamihan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong langis sa Bansa dulot ng TRAIN Law.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika nararapat lamang na isaalang – alang ng mga namumuno sa Bansa ang kapakanan ng bawat mamamayan sa bawat repormang ipinatutupad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 97,158 total views

 97,158 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 140,766 total views

 140,766 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 222,860 total views

 222,860 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 231,982 total views

 231,982 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top