Caritas Philippines, hinimok ang gobyerno na madaliin ang paglikha ng Disaster Department.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 393 total reads

Hinihimok ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines ang pamahalaan na bilisan ang paglikha ng Disaster Risk Reduction Department.

Ito ang hamon ng Caritas Philippines sa administrasyong Duterte matapos ang ika-39 na National Social Action General Assembly na dinaluhan ng may 61 mga Diocesan Social Action Centers at matinding hagupit ng ulan at baha sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Naniniwala si Father Edwin Gariguez, executive Secretary ng komisyon na mahalagang maging isa at mapalakas ang ahensya na namamahala sa paghahanda, at pagtugon sa mga kalamidad sa bansa tulad ng giyera sa Marawi, at pagputok ng bulkang Mayon.

Sinabi ng Pari na sa pamamagitan nito ay mas magiging matalino ang mamamayan sa kanilang dapat gawin sa oras ng sakuna, at mas magiging maagap din ang pagtugon ng pamahalaan.

“It is very urgent that we have a single government agency in-charge of disaster preparedness, mitigation and response to be able to provide consistent training, craft better policies and act on pressing DRR concern,” pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas

Binigyang diin pa ng pari na ang naranasan ngayon na matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon ay nagtuturo din sa mga tao na kinakailangang maging mas disiplinado at mas mahigpit ang pagpapatupad ng pamahalaan sa mga batas tulad ng Solid Waste management at sa pagbabawal sa mga quarry sa kabundukan.

“The recent flooding in Metro Manila is also asking us to be more conscious in finding innovative solutions to solid waste management in urban settings. This also puts us in urgent position to campaign with the government and our communities for proper law enforcement, sustained cooperation and better appreciation of continuing DRR and climate change initiatives,” dagdag pa ng Pari.

Matatandaang noong kasagsagan ng malakas na ulan ay tone-toneladang masura ang napadpad sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Samantala, nabalot naman sa makapal na putik ang malaking bahagi ng Marikina matapos humupa ang baha dito na dulot ng walang tigil na pag-ulan noong sabado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,421 total reads

 9,421 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,797 total reads

 237,797 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,263 total reads

 131,263 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,292 total reads

 225,292 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,173 total reads

 269,173 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,837 total reads

 33,837 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,737 total reads

 26,737 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top