Paglingap sa mga nangangailangan sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Ito ang nais ni Meneleo Carlos Jr., Pangulo ng Resins Incorporated at may-ari ng Riverbanks Center na isa sa mga donors ng Caritas Manila.

Ayon kay Carlos, kailangang tulungan ang mga mahihirap upang maiangat sa kahirapan.

Kaugnay nito, nais ng pamilya Carlos na palawakin ang pagtulong sa mga nasa bundok o ang mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan ng bansa sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang pagtanim at pagpapalaki ng mga puno.

“Marami pa rin tayong tinutulungan, gusto kong tulungan ngayon ang mga Magbubukid, yung mga nasa bundok lalo yung mga nagtatanim ng puno.” pahayag ni Carlos sa Radio Veritas.

Naniniwala itong malaking tulong sa kabuhayan ng mga mamamayan ang pagtatanim ng mga punongkahoy lalo’t malaki Commercial Value nito.

Bukod sa libreng pagsasanay sa tamang pagtatanim at pagpapalaki ng mga punongkahoy at cloning, bibigyan din ng libreng seedlings ang mga benepisyaryo para tuluyang makapagsimula sa pagtatanim ng mga puno.

Unang inilunsad ang Tree planting Campaign sa Mindanao sa nakalipas na 12 taon sa pangunguna ng Claveria Tree Nursery Incorporated na pagmamay-ari din ng pamilya Carlos kung saan nakabase ito sa Mindanao kaya’t nagnanais itong mapalawak pa ang ito sa buong bansa.

“Yung Claveria Nursery Tree namin ay 12 years old na pero nasa Mindanao, ang gusto ko magturo ng mga tao dito sa Luzon at Visayas nang sa ganun lahat ng kababayan natin sa bundok ay magkaroon ng Oportunidad magtanim nitong mga Fast Growing Trees.” dagdag pa ni Carlos.

Inaasahan ni Carlos na maipalaganap ang kampanyang ito dahil bukod sa nakatutulong sa kabuhayan ng mga katutubo ay higit din itong nakatutulong sa pagpapanatiling maayos sa ating kapaligiran.

Samantala, binigyan ng pamilya Carlos ng dalawang libreng espasyo ang Segunda Mana Charity Outlet ng Caritas Manila sa Riverbanks Center sa Marikina City upang makatulong sa hangarin nitong tulungan ang mga kabataang makapag-aral at makabili ang mamamayan ng de kalidad na produkto sa murang halaga.

“Binigyan namin sila ng free space dito ngayon dalawa na dito sa Riverbanks Center. Tulong sa kanila, para naman makakuha sila ng magandang produkto na murang mura.” pahayag ni Carlos

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat mamamayan upang maisulong ang pag-unlad ng pamayanam na walang naisasantabing sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,059 total reads

 14,059 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,215 total reads

 95,215 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,440 total reads

 189,440 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,930 total reads

 249,930 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,105 total reads

 263,105 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,737 total reads

 35,737 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top