Clerical sexual abuses, hamon sa mga Obispo at Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,108 total reads

Ang pagkakabunyag ng Vatican sa iba’t-ibang clerical sexual abuse o pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan mula sa iba’t ibang bansa ay isang hamon at ‘wake-up call’ para sa mga Obispo at sa mga Pari lalo na sa Pilipinas na mas maging ‘transparent’ at tapat sa lahat ng mga gawain.

Ito ang tugon ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy sa mariing pagkundina ng Holy See at ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga kaso ng pag-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas, iginigiit ni Bishop Famadico na isang pandaraya at hindi naayon sa kalooban ng Diyos ang pagtatago o pagkukubli sa mga maling nagawa ng mga lingkod ng Simbahan upang magkaroon lamang ng malinis o magandang imahen ang Simbahan Katolika.

“Ang nangyaring discovery ng abuses ay wake-up call sa mga Obispo at Pari na maging transparent sa lahat ng mga gawain. Ang pagtago ng mga maling gawa para magkaroon ng malinis na image ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos sapagkat ito ay pandaraya…” mensahe Bishop Famadico sa Radyo Veritas.

Sa isinapublikong letter to the people of God ni Pope Francis, iginiit nito na kinakailangang panagutan ng lahat ng may kaugnayan sa pag-aabuso ang kanilang ginawang kasalanan kabilang na ang mga opisyal na inilihim at pinagtakpan ang naturang mga insidente.

Binigyan diin ng Santo Papa na ang mga sexual abuse ay isang tahasang panlilinlang sa tiwalang ipinagkaloob ng mga mananampalataya sa kanilang pagiging tapat na lingkod ng Simbahan at pagnanakaw sa dignidad at mismong pananampalataya ng mga biktima sa Panginoon.

Tiniyak din ng Holy See ang personal na pagtutuk at pagkundina ng Kanyang Kabanalan Francisco sa naturang mga ulat kung saan nasa 300-mga pari ang inuugnay sa pang-aabuso sa may 1,000 biktima mula sa 6 na diyosesis sa Pennsylvania.

Samantala, umapela na rin sa buong Simbahang Katolika si Pope Francis na makibahagi sa kinakailangang pagbabago sa Simbahan sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno laban sa kasamaang dulot ng nabunyag na malawakang clerical sex abuse partikular na sa Estados Unidos, Chile at Ireland.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 106,860 total reads

 106,860 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 200,887 total reads

 200,887 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 245,156 total reads

 245,156 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 268,264 total reads

 268,264 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 338,441 total reads

 338,441 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top