Gobyerno, hinimok na pag-aralang muli ang TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 454 total reads

Pinalalawak ng Simbahang Katolika ang pagkakawanggawa sa mga mahihirap sa bansa.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila hinggil sa patuloy na paghihirap ng mga Filipino dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

“Tayo naman [Simbahan] upang matulungan natin itong mga mahihirap, magkakawanggawa tayo para matulungan itong ating mga kababayang maliliit at direktang naapektuhan nitong pagtaas ng mga presyo ng bilihin.” pahayag ni Fr. Pascual.

Hinihikayat naman ng Pari ang pamahalaan na pag-aralan ang ipinatupad na reporma sa pagbubuwis tulad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinasabing ang TRAIN law ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng produktong langis na nakaapekto sa presyo naman ng mga bilihin partikular sa mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas, mais at mga gulay.

Hinimok din ng pari ang bawat mamamayan na magtulungan upang maiangat ang bawat isa sa kahirapan at magkaisang manawagan sa pamahalaan na tugunan ang suliraning nakakaapekto sa lahat.

Batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station noong nakalipas na buwan lumabas na 48 porsiyento o katumbas sa mahigit 11 milyong Filipino ang naghihirap dulot na rin ng mataas na presyo ng bilihin na kadalasang kinokonsumo ng ordinaryong mamamayan.

Patuloy namang itinanggi ng mga opisyal ng pamahalaan na TRAIN law ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iginiit na ang pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ang sanhi nito.

Sa katuruan ng Simbahan inihayag nitong mahalagang bibigyang pansin ng estado ang pangangalaga sa kapakanan ng bawat mamamayang nasasakupan kasabay ng pag-unlad ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 105,903 total reads

 105,903 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 199,930 total reads

 199,930 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 244,199 total reads

 244,199 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 267,307 total reads

 267,307 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 337,534 total reads

 337,534 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top