Mamamayan, hinimok na manindigan laban sa kultura ng patayan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Maituturing na isang kabalintunaan o “ironic” sa maalab na pananampalataya sa Panginoon ng mga Filipinong Kristyano’t Katoliko ang mga patuloy na karahasang nagaganap sa lipunan.

Inihayag Rev. Father Gilbert Billena, spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights na nangangalaga at gumagabay sa pamilya ng mga biktima ng drug-related killings na ito ang isang kataka-takang sitwasyon sa bansa.

Ayon sa Pari, maituturing na isang kabalintunaan na sa kabila ng pagiging Kristyano ng mga Filipino ay napakarami pa ring mamamayan ang sumasang-ayon at walang ginagawang hakbang laban sa nagaganap na patayan sa lipunan.

“Ngayon katanungan sa atin ito, tayo ay isang bansang napaka-Kristyano pero maraming mga mamamayan natin ang nagpapahintulot sa ganitong kultura ng kamatayan…” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radio Veritas.

Naunang inihayag ng Pari na bumagal lamang ang pagtaas ng bilang sa kaso ng patayan sa bansa ngunit nagpapatuloy pa rin ito lalo na sa mga malalayong lalawigan sa Pilipinas.

Dahil dito, muling nanawagan si Fr. Billena na hindi dapat na balewalain ang mga kaso ng karahasan partikular na ang mga pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Batay sa tala ng mga human rights group at ng mismong Philippine National Police, umaabot na sa higit 23-libo ang nasawi simula ng ipatupad ng administrasyong Duterte mas pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,826 total reads

 126,826 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,806 total reads

 263,806 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,581 total reads

 379,581 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,798 total reads

 494,798 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top