Paring sangkot sa sexual abuse, nahaharap sa Canon at civil law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 665 total reads

Iginagalang ng Simbahang Katolika ang batas hindi lamang ng simbahan kundi ang civil law o batas na umiiral sa lipunan na sumasaklaw sa lahat ng mamamayan na mapapatunayang nagkasala sa batas.

Ito ang binigyan diin ng Canon lawyer na si Father Getty Ferrer ng Diocese ng San Jose Nueva, Ecija kaugnay sa pagkondena ng Santo Papa Francisco sa sexual abuse na nag-uugnay sa mga pari ng Simbahan.

“Ang Simbahan po natin ay isang society at bilang isang society mayroon po tayong sariling batas sa loob ng simbahan. Pero ganoon pa man dahil tayo, ang katoliko ay tao rin at ang isang katoliko sabihin na nating naninirahan sa Pilipinas. Ang isang pari na katoliko at the same time Pilipino ay liable sa canon law at the same time sa civil law ng bansang Pilipinas,” pahayag ni Father Ferrer sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Father Ferrer na ang paglilitis sa simbahan ay sa pamamagitan ng isang ‘tribunal’ na pinangangasiwaan ng Obispo ng nakakasakop na diocese o isang kinatawan na itatalaga ng Obispo na eksperto sa batas ng Simbahan.

“Nakikiisa po tayo sa Santo Papa sa pagkundena, hindi po natin gusto iyon, hindi po gusto ng simbahan at hindi po itatago ng simbahan iyon anuman po ang kasalanan ng mga kaparian lalo na po sa mga ‘minors’ pananagutin po ng simbahan. Kahit po malungkot, kahit po masakit, kahit po nakakahiya ay haharapin po talaga ng simbahan,” pahayag ni Father Ferrer.

Binigyan diin ni Father Ferrer sa bagong batas na inilabas ni Pope Francis ay mananagot din ang mga Obispo na mapapatunayang pinagtakpan ang isang pari na isinangkot sa pang-aabuso kasama na dito ang pagtatanggal sa kanya sa posisyon.

“Noong 2016 mayroon po siyang isinabatas na ang tawag ay ‘Come una madre amorevole’ ibig sabihin sa Ingles ay ‘like a loving mother’. Ang isang inang mapagmahal, ganoon tinitignan ni Pope Francis ang simbahan isang Inang mapagmahal. Sinasabi po niya doon sa ‘come una madre amorevole’ bilang isang motu propio pagka ang isang pari ay nakapanakit ng bata sa kasalanang sekwal sa ika-anim na utos ng Diyos at pinagtakpan ng Obispo o kaya ay inilipat lamang, yung Obispo po ay mananagot sa simbahan. Maaari po siyang matanggal sa puwesto,” paliwanag ng pari.

Nanawagan din ng pari sa lahat ng mananamapalataya na maturuan ang mga kabataan ng mga senyales nang posibleng mga pang-aabuso at ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng kanilang mga anak.

Hinimok ni Father Ferrer ang lahat ng biktima na i-ulat sa Obispo at kinauukulan ang pang-aabuso para sa karampatang pagtugon ng Simbahan hindi lamang sa akusado at biktima kundi maging sa pamilya ng inabuso.

Sa bahagi naman ng Simbahan, sinabi ng pari na mahalagang magsimula sa matatag na paghuhubog sa mga Seminaryo sa mga nais na magpari upang maiwasan ang mga pang-aabuso.

Naunang tiniyak ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na walang cover-up na mangyayari sa mga kaso ng sexual abuse ng mga Pari.

Read more: Walang cover-up

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 105,831 total reads

 105,831 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 199,858 total reads

 199,858 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 244,127 total reads

 244,127 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 267,235 total reads

 267,235 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 337,462 total reads

 337,462 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 287,428 total reads

 287,428 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 402,135 total reads

 402,135 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top