Maayos at disenteng workplace, sentro ng Trade Union Regional forum

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 517 total reads

Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga trade unions sa sektor ng paggawa sa pagsusulong ng mga karapatan ng bawat manggagawa.

Ito ang mensahe ni Department of Labor and Employment Undersecretary Joel Maglunsod sa pagbubukas ng 3 araw na Trade Union Regional Forum na ginanap sa Crowne Plaza Manila kahapon.

Ayon kay Maglunsod, katuwang din ito sa pagprotekta sa mga manggagawa mula sa pananamantala ng ilang kumpanya at mga mamumuhunan.

Tatalakayin sa pagtitipon ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at pagiging matatag ng bawat manggagawa sa kabila ng mga epekto ng karahasan at kalamidad.

Ayon sa International Labor Standard’s Bureau for Workers’ Activities (ACTRAV) magdudulot ng pagtaas ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay at balisang lipunan kung hindi matutugunan ang suliranin sa sektor ng paggawa.

Ibabahagi rin dito ang ILO Recommendation No. 205 kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng paglikha ng maayos at disenteng trabaho sa mga manggagawa upang mapigilan, makabangon, mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa trabaho, negosyo at kabuhayan.

Pagbabahagi ni Senior Economist at Regional Desk Officer ng ILO Geneva na si Mohammed Mwamadzingo tinatayang 1.5 bilyong katao ang naninirahan sa mga lugar na umiiral ang karahasan at kadalasang biktima ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

Mahigit sa 33 milyon naman ang internally displaced habang umabot sa 1.3 trilyong dolyar ang economic loss sa pagitan ng 2005 at 2014 dulot ng karahasan at kalamidad.

Mahigit sa 20 ang dumalo sa pagtitipon na nagmula sa 14 na mga bansa sa Asya at kasapi ng iba’t ibang grupo ng manggagawa sa kani-kanilang mga bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Excercens, ipinapanawagan dito na panatilihin ang dignidad at paggalang sa karapatan ng bawat manggagawa kaakibat ng pagsulong ng mamamayan at ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,821 total reads

 126,821 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,801 total reads

 263,801 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,576 total reads

 379,576 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,793 total reads

 494,793 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top