Tulungan ang mga stranded sa NAIA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 365 total reads

Nakiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga Overseas Filipino Workers na na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa pagkaantala ng kanilang biyahe dulot ng aksidenteng kinasangkutan ng Xiamen Airlines noong ika – 16 ng Agosto.

Apela ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Komisyon, sa mga kinaukulang ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs na tulungan ang mga OFW na ipaliwanag sa Labor Ministries ng mga bansa ang dahilan ng pagkaantala ng kanilang pagbalik sa trabaho.

“We, at CBCP-ECMI, are in sympathy and solidarity with our OFWs. We know their predicament and anxiety with works. We appeal to the airlines to give their priority to board, to DFA thru our embassies in those countries to help to explain to ministries of labour in those countries the reason of their delays.” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang apela ng obispo ay matapos mangamba ang ilang OFW na mawalan ng trabaho dahil sa sobrang pagkaantala ng nakatakdang pagbalik sa mga bansang pinagtatrabahuan.

Panawagan din ni Bishop Santos sa mga airline companies na unahin ang kapakanan ng mga stranded na pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang tulong tulad ng pagkain at pansamantalang matutuluyan.

“It is Responsibility of all, and must be Act Compassionate acts of airlines to provided proper assistance and valuable helps to their Stranded Passengers. They must think first about Well being of their Passengers rather than profits or additional expenses.” dagdag ng Obispo.

Batay sa ulat tinatayang nasa 13,000 katao ang kasalukuyang nanatili sa paliparan dahil kanselado pa rin ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw na ito.

Ipinapanalangin ni Bishop Santos na maisaayos at tuluyang maibalik sa normal ang operasyon ng paliparan at ligtas na makakabalik ang mga OFW sa mga bansang pinagtatrabahuan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 127,005 total reads

 127,005 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,968 total reads

 263,968 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 379,743 total reads

 379,743 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,955 total reads

 494,955 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top