Clerical sexual abuses, hamon sa mga Obispo at Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,085 total reads

Ang pagkakabunyag ng Vatican sa iba’t-ibang clerical sexual abuse o pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan mula sa iba’t ibang bansa ay isang hamon at ‘wake-up call’ para sa mga Obispo at sa mga Pari lalo na sa Pilipinas na mas maging ‘transparent’ at tapat sa lahat ng mga gawain.

Ito ang tugon ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy sa mariing pagkundina ng Holy See at ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga kaso ng pag-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas, iginigiit ni Bishop Famadico na isang pandaraya at hindi naayon sa kalooban ng Diyos ang pagtatago o pagkukubli sa mga maling nagawa ng mga lingkod ng Simbahan upang magkaroon lamang ng malinis o magandang imahen ang Simbahan Katolika.

“Ang nangyaring discovery ng abuses ay wake-up call sa mga Obispo at Pari na maging transparent sa lahat ng mga gawain. Ang pagtago ng mga maling gawa para magkaroon ng malinis na image ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos sapagkat ito ay pandaraya…” mensahe Bishop Famadico sa Radyo Veritas.

Sa isinapublikong letter to the people of God ni Pope Francis, iginiit nito na kinakailangang panagutan ng lahat ng may kaugnayan sa pag-aabuso ang kanilang ginawang kasalanan kabilang na ang mga opisyal na inilihim at pinagtakpan ang naturang mga insidente.

Binigyan diin ng Santo Papa na ang mga sexual abuse ay isang tahasang panlilinlang sa tiwalang ipinagkaloob ng mga mananampalataya sa kanilang pagiging tapat na lingkod ng Simbahan at pagnanakaw sa dignidad at mismong pananampalataya ng mga biktima sa Panginoon.

Tiniyak din ng Holy See ang personal na pagtutuk at pagkundina ng Kanyang Kabanalan Francisco sa naturang mga ulat kung saan nasa 300-mga pari ang inuugnay sa pang-aabuso sa may 1,000 biktima mula sa 6 na diyosesis sa Pennsylvania.

Samantala, umapela na rin sa buong Simbahang Katolika si Pope Francis na makibahagi sa kinakailangang pagbabago sa Simbahan sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aayuno laban sa kasamaang dulot ng nabunyag na malawakang clerical sex abuse partikular na sa Estados Unidos, Chile at Ireland.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 7,633 total reads

 7,633 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 89,141 total reads

 89,141 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 183,366 total reads

 183,366 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 243,856 total reads

 243,856 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 257,378 total reads

 257,378 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,075 total reads

 17,075 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 18,161 total reads

 18,161 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top