Kasaysayan ng Martial law, Hindi maaring kalimutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 876 total reads

May mga bahagi sa kasaysayan ng bansa na hindi dapat na makalimutan ng mamamayan na nagsisilbing aral na hindi na muling maulit pa.

Ito ang reaksyon ni Rev. Fr. Larry Faraon, dating Station Manager ng Radio Veritas noong panahon ng Martial Law sa naging pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dapat mag-move on’ na ang mamamayang Filipino mula sa mga naganap noong panahon ng batas militar.

Ayon sa Pari, may mga yugto sa kasaysayan ng bayan ang nararapat na iwanan upang ganap na makapaghilom mula sa madilim na nakaraan pero hindi maaring kalimutan ang mahalagang bahagi nito sa buhay ng mga Filipino.

“May mga bahagi ng kasaysayan na puwede nating iwanan na muna at meron namang bahagi ng kasaysayan na gawin nating lesson, leksyon, I think siguro sa mga Millennial ito rin ay lesson ang history dun sa mga inabutan yung Martial Law siguro it’s a time for healing also, healing and move on pero we will never forget history because Dynamic ang history…” pahayag ni Father Faraon sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit naman ng Pari na tungkulin ng pamahalaan na maisiwalat at mabawi ang mga tinaguriang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

“That is the work of the Government, marami ng Gobyerno ang nagdaan dyan panahon pa ni Cory Aquino naibalik na yung iba naman ay hindi na maibalik balik hanggang sa ngayon but you know kaya lang mabagal yung Gobyerno natin wala tayong magawa, I think it is the role of the Government now to make sure na maibalik yung mga dapat na maibalik…” Dagdag pa ni Father Faraon.

Sa pagsisiyasat naman ng Office of the Ombudsman noong 1988, nasa 100 milyong kada araw ang nawawala sa pera na bayan dahil sa laganap na korupsiyon.

Nabatid na noong panahon ng Martial Law, 5 hanggang 10-bilyong dolyar ang sinasabing nakuhang yaman ng pamilya Marcos sa pamahalaan na naitala sa Guinness Book of World Record bilang “The Biggest Robbery”.

Sa pagtataya ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) mula 5 hanggang 10- Bilyong dolyar na sinasabing ill gotten wealth ng pamilya Marcos kung saan 3.7 bilyong dolyar pa lamang ang na-recover ng kumisyon.

Si Fr. Larry Faraon ang dating Station Manager ng Radio Veritas noong panahon ng Martial Law, ang himpilan na ginamit na daan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin upang manawagan sa mga mamamayan na magpunta sa EDSA na nagsimula sa isang mapayapang People Power Revolution na naging inspirasyon sa iba’t ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,095 total reads

 96,095 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,125 total reads

 190,125 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,393 total reads

 234,393 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,502 total reads

 257,502 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,237 total reads

 328,237 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top