14th month pay law, pinuri ng FFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

Magandang hakbang ng Pamahalaan ang isinusulong sa Senado na pagkakaroon ng 14th month pay sa mga manggagawa sa bansa.

Ito ang inihayag ni Atty.Jose Sonny Matula, National President ng Federation of Free Workers kaugnay sa isinusulong na Senate Bill No. 2 o ang 14th Month Pay Law na iniakda ni Senate President Vicente Sotto III.

“Magandang proposal yun, para sa amin isang positibong hakbang para ma-improve yung capacity ng mga manggagawa yung Purchasing Power nila.” pahayag ni Matula sa Radio Veritas.

Naniniwala si Matula na kapag nadadagdagan ang kikitain ng mga manggagawa ay makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa dahil bumibili rin ito ng mga produkto.

Binigyang pansin naman ng FFW ang kapasidad ng isang Kumpanya na magbayad ng karagdagang sahod sa mga manggagawa.

RA No. 11058

Kinilala rin ng FFW ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Occupational Safety and Health Standards Law na naglalayong matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuan.

Tiniyak ni Matula na susuportahan ng mga manggagawa ang nilagdaang batas sa pamamagitan ng pagbuo ng Occupational Safety and Health committees sa mga pagawaan na maging aktibo sa pagbabantay kung naipatutupad ang nasabing batas.

Nasasaad sa RA 11058 na nilagdaan ng pangulo noong ika-17 ng Agosto ang pagpapataw ng parusa sa mga kumpanyang lalabag dito tulad ng pagmumulta ng hanggang 100, 000 piso.

4-Day Work Week

Iginiit naman ng Federation of Free Workers na hindi makalulutas sa sitwasyon ng mga manggagawa sa bansa ang isinusulong na apat na araw ng pagtatrabaho.

Ayon kay Matula lalong mawawalan ng sapat na oras ang mga manggagawa sa kani-kanilang pamilya dahil kaakibat ng 4 na araw trabaho ay ang sampung oras na ilalaan sa pagtatrabaho mula sa kasalukuyang walong oras.

Binigyan diin ni Matula na dapat mahanapan ng solusyon ng pamahalaan ang tumitinding pagsikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila tulad ng pagsasaayos ng mass transport system gaya ng LRT at MRT.

Sa katatapos na pagtitipon ng International Labor Organization, lumabas sa isang pag-aaral na nakasasama sa kalusugan ng tao ang mahabang oras ng pagtatrabaho kaya’t higit na isinusulong ng grupo ang walong oras na pagtatrabaho upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat manggagawa.

Nilinaw ng grupo na mas productive ang mga manggagawa kung may sapat na oras ang bawat isa na makapagpahinga at hindi naaabuso ang katawang pisikal at pangkaisipan.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong Enero 2018, mahigit sa 70 milyon ang mga manggagawa sa bansa kung saan pinakabata dito ay nasa edad 15 taong gulang.

Sa ensiklikal ni St. John Paul II na Laborem Excercens, mahalagang isaalang – alang ng bawat mamumuhunan ang kapakanan, karapatan at dignidad ng bawat isa na nagsusumikap maghanap buhay para sa kanilang pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 96,081 total reads

 96,081 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 190,111 total reads

 190,111 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,379 total reads

 234,379 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,488 total reads

 257,488 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 328,223 total reads

 328,223 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top