Kalidad ng mga military school, kinuwestiyon ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 350 total reads

Hinamon ni Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang pamahalaan na muling pag-aralan at suriin ang kalidad ng mga military school sa bansa.

Giit ng Obispo, napapanahon na upang suriin ang kaledad at tunay na kakahayan ng mga nagtapos sa iba’t-ibang military schools sa bansa.

Nanindigan si Bishop Jumoad na kailangang malaman kung ang mga military school ay epektibo sa pagtuturo at pagsasanay sa mga sundalo na proteksyunan at depensahan ang bawat mamamayan mula sa anumang banta ng kaguluhan at karahasan sa bansa.

Ipinagtataka ni Bishop Jumoad na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang nabubuwag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang grupo ng mga bandido partikular na sa rehiyon ng Mindanao na wala naman aniyang pormal na pag-aaral sa pakikipaglaban.

“Maybe the government must re-visit and re-evaluate our military schools, if our military schools are really relevant because they could not conquer the Abu Sayyaf who are not, who don’t have any formal schooling so yun ang problema, yun ang problema talaga ano epektibo pa ba ang military natin? ang mga military schools natin? How come na dito sa Basilan palagi silang palaging dehado ang military, ano ba talaga? I am sad and I am angry at the same time because bakit nagkaganyan?.” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam sa Radio Veritas.

Una nang kinundina ng Obispo ang naganap na 10-oras na engkwentro sa Tipo-Tipo, Basilan na ikinamatay ng 18-sundalo at 22-miyembro ng Abu Sayyaf.

Kaugnay nito, batay sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), mula ng sumiklab ang kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao, umaabot na sa mahigit 60,000 ang nasawi at umaabot na sa tinatayang P6-Bilyong piso ang pondong nailaan para sa pagtugis sa mga bandido at rebeldeng grupo sa rehiyon.

Bukod dito, una nang naitala ng Internal Displacement Monitoring Center ang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao. Samantala, patuloy naman hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mambabatas na malawakang pag-aralan ang lahat ng mga probinsyon sa Bangsamoro Basic Law lalo’t malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ng Mindanao ang inaasahang maapektuhan ng naturang batas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 26,546 total reads

 26,546 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,052 total reads

 113,052 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,791 total reads

 159,791 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,663 total reads

 207,663 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,298 total reads

 310,298 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top