272 total views
Ito ang mga katangiang ibinahagi nina Former Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Perfecto “Jun” Yasay, former congressman of the Lone District of Biliran Atty. Glenn Ang – Chong, at World Bank Consultant for the Integrity Management Program of the Office of the President and the Office of the Ombudsman, Alvin Barcelona sa Veritas Servant Leadership Halalan Forum 2016 kung saan tinalakay ang katangian ng isang kandidato na manghimok sa mapayapang pamamaraan.
Ayon kay Yasay, sa dalisay at tapat na hangarin ng isang kandidato, masasalamin ang malinis na intensyon at epektibong panghihikayat nito upang makamit ang tiwala ng publiko.
“When we look at the power of persuasion, ang core nyan ay ‘yung sincerity, ‘yung tunay na paniniwala ng isang government official na ‘yung idea nya, ‘yung proyekto nya, ‘yung concept nya ay tama, makatotohanan at karapat-dapat. You will persuade people on the basis of your honest belief na itong ginagawa mong ito ay tama at para sa kabutihan ng bayan,” Paliwanag ni Yasay.
Ibinahagi naman ni Atty. Chong ang tatlong katangian na mahalagang isa-alang-alang sa pagpili ng kandidato.
“I have three qualities about persuasion. One thing that I really wanna see from a leader is vision, that’s the first quality I would look for a leader. Pero kailangan you have concrete steps how you will achieve your vision. The second one is sincerity, na gaano katotoo ang taong ito. Pangatlo, delivery, hindi ‘yung hanggang promise ka lang you have to deliver, “Dagdag ni Atty. Chong.
Para naman kay Barcelona, pagiging mabuting modelo ang pinaka epektibong paraan upang makapanghikayat.
“Ang persuasion kasi ay kumbinsihin mo ang pag-iisip at damdamin at aksyon ng isang tao. Para siya ay kumbinsihin mo meron kang mga modelo. Ang nakikita nating isang magandang paraan ay modeling. Kung may isang bagay na gustong sundin ka ay ipakita mo munang ikaw ‘yung unang gumagawa,” Pahayag ni Barcelona.
Una nang hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat botante na huwag sayangin ang karapatan sa pagboto dahil ito’y isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.
Sa pinakahuling tala ng Comelec, umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa susunod na eleksyon bukod pa sa 1.4 milyong Overseas absentee voters.(Yana Villajos)