Archdiocese of Manila, aaksyon sa loob ng 24 oras matapos ang kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total reads

Mas matututukan na ng Simbahang Katolika ang pangangailangan ng mga nasasalanta ng kalamidad sa bansa kaugnay ng pagsasanib puwersa ng Ecology Ministry at ng Disaster Risk Reduction and Management program ng Archdiocese of Manila.

Ayon kay Caritas Manila Damayan Program Priest Minister Fr. Ric Valencia, bagong head ng DRRM at Ecology Ministry, layunin nitong sa loob ng 24 oras, maka-aksyon sila sa mga naapektuhan ng kalamidad.

“Ang ministry po ay nagko-cooperate nationwide dahil sakop ng tinutulungan ng Archdiocese of Manila ay ang buong bansa. Mas matutukan ang pangangilangan ng mga nasasalanta ng kalamidad ngayon dahil kung noon ginagawa natin at di-naa-announce, ngayon dahil nakikita na kailangan ng ating mga kababayan na maramdaman ang tulong ng Simbahang Katolika sa loob ng 24 oras…” pahayag ni Fr. Valencia sa panayam ng Radyo Veritas.

Nagpapasalamat naman ang pari sa Radyo Veritas na siyang channel of communication sa pagitan ng mga nasalanta at ng institusyon ng Simbahan na siyang gumagalaw para sa assessment, koordinasyon at pagpapakalat ng impormasyon.

Ito’y para mabatid ang mga lugar at mamamayan na tunay na nangangailangan ng tulong dahil sa tindi ng epekto ng kalamidad sa kanilang lugar.

“Pagdating sa communication, Radyo Veritas na ang inasaahan sa mga lugar na nasasalanta, ang RV ang nakikipag-coordinate sa mga nasalanta, dito rin ang panawagan ng tulong at donasyon…maki-coordinate naman ito sa Archdiocese of Manila, Pagdating sa response, panawagan at dissemination of information dahil ang RV ay may capability na mag assess ng pangangilangan ng tao.” Ayon pa sa pari.

Kabilang din sa mga institusyon ng Simbahang Katolika na aktibo sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad ang Caritas Manila, Quiapo Church, NASSA-Philippines at Caritas Internationalis.

Matatandaang November 2013, tumama sa bansa ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo, ang Typhoon Yolanda kung saan mahigit 7,000 ang nasawi, bilyong bilyong piso ang halaga ng nasirang ari-arian at imprastraktura at mahigit 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan na hindi iniwanan ng Simbahan mula sa relief hanggang sa rehalibilitasyon o pagbibigay ng kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 26,560 total reads

 26,560 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 113,066 total reads

 113,066 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 159,805 total reads

 159,805 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 207,677 total reads

 207,677 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 310,311 total reads

 310,311 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,310 total reads

 312,310 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,657 total reads

 418,657 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top