Kalidad ng mga military school, kinuwestiyon ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 348 total reads

Hinamon ni Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad ang pamahalaan na muling pag-aralan at suriin ang kalidad ng mga military school sa bansa.

Giit ng Obispo, napapanahon na upang suriin ang kaledad at tunay na kakahayan ng mga nagtapos sa iba’t-ibang military schools sa bansa.

Nanindigan si Bishop Jumoad na kailangang malaman kung ang mga military school ay epektibo sa pagtuturo at pagsasanay sa mga sundalo na proteksyunan at depensahan ang bawat mamamayan mula sa anumang banta ng kaguluhan at karahasan sa bansa.

Ipinagtataka ni Bishop Jumoad na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang nabubuwag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang grupo ng mga bandido partikular na sa rehiyon ng Mindanao na wala naman aniyang pormal na pag-aaral sa pakikipaglaban.

“Maybe the government must re-visit and re-evaluate our military schools, if our military schools are really relevant because they could not conquer the Abu Sayyaf who are not, who don’t have any formal schooling so yun ang problema, yun ang problema talaga ano epektibo pa ba ang military natin? ang mga military schools natin? How come na dito sa Basilan palagi silang palaging dehado ang military, ano ba talaga? I am sad and I am angry at the same time because bakit nagkaganyan?.” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam sa Radio Veritas.

Una nang kinundina ng Obispo ang naganap na 10-oras na engkwentro sa Tipo-Tipo, Basilan na ikinamatay ng 18-sundalo at 22-miyembro ng Abu Sayyaf.

Kaugnay nito, batay sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), mula ng sumiklab ang kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao, umaabot na sa mahigit 60,000 ang nasawi at umaabot na sa tinatayang P6-Bilyong piso ang pondong nailaan para sa pagtugis sa mga bandido at rebeldeng grupo sa rehiyon.

Bukod dito, una nang naitala ng Internal Displacement Monitoring Center ang may 1.9 na milyong tao na naapektuhan ng may 40 taon ng kaguluhan at hidwaan sa Mindanao. Samantala, patuloy naman hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga mambabatas na malawakang pag-aralan ang lahat ng mga probinsyon sa Bangsamoro Basic Law lalo’t malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ng Mindanao ang inaasahang maapektuhan ng naturang batas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,411 total reads

 60,411 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,443 total reads

 139,443 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,888 total reads

 172,888 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,186 total reads

 208,186 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,265 total reads

 432,265 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top