170 total views
Itinaas na sa Magnitude 6 ang lindol na tumama sa Baliguian sa Zamboanga del Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Philvolcs, alas 2:21 ng madaling araw kanina naitala ang lindol 19 kilometro Kanluran ng Baliguian habang nasa 16 kilometro ang lalim.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Zamboanga City, Intensity 4 sa mga bayan ng Baliguian, Gutalac, Ipil sa Sibugay, Siocon, Sibuco at Labason sa Zamboanga Del Norte, Pagadian City at Siraway ; Intensity 3 sa Liloy Zamboanga City, Intensity 2 sa Dipolog City, Oroqueta, Dapitan City, Misamis Occidental, at Sibulan sa Negros Oriental at Intensity 1 sa Dumaguete City, Legros Oriental, Lazi Siquijor.
Patuloy na inaalam pa ng Philvocs ang mga pinsala ng lindol kung saan sa Barangay Sinunoc sa Zamboanga City, nakapagtala ng pagguho ng pader at tatlong bahay ang nasira.
Pinakahuling malakas at mapaminsalang lindol na naitala sa Pilipinas noong 2013 na magnitude 7.2 na lindol na tumama sa Cebu at Bohol kung saan mahigit sa 200 ang nasawi.
Sa tuwing may kalamidad, isa sa mabilis na sumasaklolo sa mga biktima ang ibat’t-ibang institusyon ng Simbahang Katolika gaya ng Caritas Manila, at NASSA Philippines mula relief hanggang sa rehabilitasyon.