Kapabayaan ng gobyerno, eye-opener sa mga Overseas Filipino Workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total reads

Tiwala si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na magiging mataas ang voting turn-out ng mga Overseas Filipino Workers sa isinasagawang isang buwan na “overseas absentee voting” na nagsimula noong ika-9 ng Abril at magtatapos sa ika-9 ng Mayo 2016.

Inihayag ng Obispo na ang 100-percent na pagtaas sa bilang ng mga nagpatalang OFW ay isang indikasyon ng pagnanais ng mga itong ihalal sa puwesto ang mga karapat-dapat na pinuno ng bansa.

“Iyong malaking bilang ng nagparehistro ay tanda na talagang aware na at gusto nilang bumoto at alam natin na kung saan sa darating na April 9 hanggang May 9 ay higit na malaki ang boboto, lalo na ngayon na kung saan ay talagang naging center sila ng mga nangyayari sa Pilipinas.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Tiwala si Bishop Santos na mulat na ang mga OFW at wake-up call sa kanila sa pagboto ang usapin sa pagbubukas ng Balikbayan box, Laglag Bala Scam, pagpapatupad ng 550-pisong terminal fee sa kabila ng nakasaad sa batas na exemption at iba’t-ibang problema na kinakaharap ng mga Pilipino sa abroad dahil sa kapabayaan ng pamahalaan.

Hinimok ng Obispo ang mga OFW na gamitin ang pagkakataon upang magkaisa sa pagpili ng bagong mamumuno sa bansa na tutugon sa pangangailangan, karapatan at kalagayan ng bawat Filipino saan mang panig ng mundo.

“Yun nga ang ating inaasahan na ngayon ang ating mga botante ay matatalino, nag-iisip at sila ay nagbabasa, at ang atin ding mga OFW ay very aware sa situation ng Simbahan at sa pamahalaan at ganun din ang ginagawa ng ating mga Chaplain at social workers na talagang inuugnay ang mga pangyayari sa Pilipinas kanilang buhay sa ibang bansa..” dagdag pa ng Obispo.

Sa tala, tumaas ng 100 porsyento ang bilang ng nagpatala ngayong taon kumpara noong 2015 kung saan mahigit 400-libong OFW ang mga bagong rehistradong botante dahilan upang umabot sa higit 1.4 milyon ang mga Overseas absentee voters ngayong halalan.

Dahil dito, umaasa ang Obispo at maging ang COMELEC na mas tataas rin ang Voting Turnout ngayong halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 25,265 total reads

 25,265 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 111,824 total reads

 111,824 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 158,563 total reads

 158,563 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 206,435 total reads

 206,435 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 309,134 total reads

 309,134 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top