Pagdiriwang ng Season of Creation, Gamiting daan sa pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Umaapela si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mga mananampalataya na gamiting daan ang nalalapit na pagsisimula ng Season of Creation upang mamulat ang bawat isa sa pag-iingat at pag-aaruga sa kalikasan.

Ayon sa Obispo, ang kalikasang biyaya ng Panginoon sa tao ay nilikha sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal.

Inihayag ni Bishop Ongtioco na tinatawag itong “Mother Nature” o “Inang Kalikasan” dahil tulad ng isang ina, ang pagmamahal at pag-aaruga nito sa sanlibutan ay hindi nagmamaliw, at nakapagbibigay buhay sa bawat nilalang sa mundo.

“Tayo ay namumulat lalo sa kahalagahan ng pag-iingat, pag-aaruga natin sa kaloob ng Diyos sa kan’yang kalikasan na dapat nating ingatan at bigyan ng halaga dahil ito ang nagbibigay sa atin ng buhay. Kaya tinatawag nating Creation, Mother nature, parang isang ina, tayo’y walang sawang binubuhay, binibigyan ng lakas at pag-asa kaya mahalin natin ang kalikasan ng Diyos huwag nating sirain.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, inanyayahan ni Bishop Ongtioco ang mga mananampalataya na makiisa sa iba’t-ibang aktibidad ng mga parokya o Diyosesis para sa Season of Creation.

Sa Diocese of Cubao magkakaroon ng iba’t-ibang pagtitipon sa loob ng isang buwang Season of Creation, sa pangunguna ng Ecological Justice Interfaith Movement, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at Global Catholic Climate Movement – Pilipinas.

Sa unang araw ng Septyembre, pormal na bubuksan ang Season of Creation kasabay ng pagdiriwang ng World Day of Prayer for Care of Creation, sa pamamagitan ng Walk for Creation at banal na misang gaganapin sa Christ the King Mission Seminary sa E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City.

Season of Creation activities

Pormal namang magtatapos ang Panahon ng Paglikha sa ika-apat ng Oktubre kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asisi.

Ngayon ang ika anim na taong pagdiriwang sa Season of Creation sa Pilipinas, kasabay nito ang ikatlong taon ng World day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, alinsunod sa isinasagawang pag-aalay ng panalagin ng Orthodox Church na nagsimula pa noong 1989.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 6,960 total reads

 6,960 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 9,288 total reads

 9,288 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 26,601 total reads

 26,601 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 72,347 total reads

 72,347 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 166,572 total reads

 166,572 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 227,060 total reads

 227,060 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 240,968 total reads

 240,968 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 319,866 total reads

 319,866 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,135 total reads

 374,135 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top