Mindanao Bishop, NO sa extension ng Martial law.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total reads

Nangangamba ang isang Obispo mula sa Mindanao na hindi maganda sa imahe ng rehiyon ang muling pagpapalawig ng Martial Law.

Ito ang pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa pahayag na posibleng mapalawig ang batas militar bunsod ng panibagong insidente ng pagsabog sa Sultan Kudarat.

Ayon sa Obispo, hindi siya sang-ayon sa mungkahing pagpapalawig dahil lilikha ito ng impresyon sa international community na hindi kontrolado ang peace and order sa Mindanao at kawalan ng tiwala sa kakayahan ng LGU’s sa pamamahala.

Naniniwala si Bishop Bagaforo na kayang resolbahin ng Philippine National Police ang banta sa seguridad sa rehiyon.

“No to extension of Martial law, not anymore necessary. For three reasons, extending it will only send wrong impressions to outside world that “peace and order” in Mindanao is beyond control. Second this could be an isolated incident which the PNP can resolve, and lastly martial law is mistrust on LGU’s capacity to govern.

Nagpahayag din ng pakikiisa at panalangin ang Obispo sa mga biktima ng pagsabog.

Hinimok din ng Obispo ang lahat na maging handa, mapagmatyag, magtulungan at magkaisa.

“We offer our prayers to all victims and we urge everyone especially people of Isulan to vigilant and unite evermore to have their place secure & peaceful,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Unang inihayag ni Executive secretary Salvador Medialdea na posibleng muling palawigin ang batas militar kasunod ng insidente ng pagsabog na nagresulta ng pagkasawi ng tatlo katao at pagkasugat ng higit sa 30 iba pa.

Ayon sa kalihim, ang insidente ay nangyari sa kabila ng pag-iral ng martial law na isang palatandaan na dapat pa itong pahabain dulot na rin ng presensya ng mga terorista.

Unang idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-iral ng 90 araw na martial law dulot ng digmaan sa Marawi City noong Mayo 2017.

At ito ay muling napalawig para sa buong taon ng 2017 at sa sa kahilingan din ng Pangulo na palawigin pa ito hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 6,980 total reads

 6,980 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 9,308 total reads

 9,308 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 26,617 total reads

 26,617 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 72,388 total reads

 72,388 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 166,613 total reads

 166,613 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 227,101 total reads

 227,101 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 241,009 total reads

 241,009 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 319,906 total reads

 319,906 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top