Ecological conversion, paiigtingin sa Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Magiging sentro ng isasagawang Manila Archdiocesan Pastoral Assembly o MAGPAS, ngayong buwan ng Septyembre ang pagdiriwang ng Season of Creation.

Sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na napapanahong matalakay ang mga usaping pangkalikasan sa Season of Creation upang mapalawak pa ang kamalayan ng mga mananampalataya sa tunay na kalagayan ng kapaligiran.

Sinabi ng Obispo na magandang pagkakataon din na isasagawa ang MAGPAS sa unang araw ng Septyembre na idineklara ni Pope Francis bilang World Day of Prayer for Care of Creation.

Ayon sa Obispo, kabilang sa mahahalagang tatalakayin sa pagtitipon ay ang Ecological Conversion at ang mga tamang gawain upang tunay at mapabuti ang pag-aalaga sa kalikasan.

Umaasa din si Bishop Pabillo na ang isasagawang MAGPAS ay magiging daan upang ang mga mananampalataya ay makapagnilay at makapag-alay ng sama-samang panalangin para sa ikabubuti ng sanlibutan.

“Sana mag-alay kayo ng mga panalangin at saka makinig sa Radio Veritas sa September 1 para po sa ating celebration ng MAGPAS. Dito po sa Archdiocese of Manila meron po tayong Season of Creation mula po September 1 hanggang October 4, sa loob ng isang buwan na yan ay pinag-uusapan natin ang biyaya ng Diyos, ang kalikasan at ang pangangalaga natin dito. Kaya napaka halaga na magkaroon tayo ng consciousness specially about ecological conversion sa pag-aalaga natin sa kalikasan.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Isasagawa ang MAGPAS sa unang araw ng Septyembre –araw ng Sabado sa Paco Catholic School, simula alas siyete y medya ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Bukod kay Bishop Pabillo, kabilang din sa mga magbibigay ng repleksyon at pagtalakay sina Rodney Galicha-Branch Manager ng Climate Reality Project Philippines, Father John Leydon, MSSC – Convener ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas, Lou Arsenio – Lay Coordinator ng Archdiocese of Manila Ecology Ministry, at si Father Jayson Laguerta – Executive Director ng Office of the Promotion of New Evangelization.

Kaugnay dito, inaanyayahan ang bawat isa na dumalo sa MAGPAS ngayong Septyembre, at makiisa sa iba’t-ibang mga aktibidad ng mga Parokya at Diyosesis sa loob ng isang buwang Season of Creation.

Inilatag naman ng Diocese of Cubao ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Season of Creations.

Read more: Pagdiriwang ng Season of Creation, Gamiting daan sa pangangalaga sa kalikasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 83,231 total reads

 83,231 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 177,485 total reads

 177,485 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 221,753 total reads

 221,753 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 244,862 total reads

 244,862 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 316,235 total reads

 316,235 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,963 total reads

 32,963 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,867 total reads

 25,867 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top