Malaking papel ng Simbahan sa pagbabago ng lipunan, kinilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,269 total reads

Aminado si Commission on Elections Commissioner Luie Tito Guia na malaking papel at bahagi ang Simbahang Katolika sa pagkakaroon at pagkamit ng pagbabago sa lipunan maging sa larangan ng politika sa bansa.

Kinilala ni Guia ang malaking ambag ng Simbahan upang makamtam ng COMELEC ang hangaring magkaroon ng malinis, ligtas, mapayapa at makatotohanang halalan sa darating na May 9- national at local elections.

“Ang Simbahan kasi lalo na ang Simbahang Katolika ang pinaka- pervasive na institusyon sa Pilipinas at lahat ng sulok siguro ng Pilipinas meron tayong Simbahan, kaya po naging malaki ang bahagi ng Simbahan sa mga Political at Social Changes natin sa ating kasaysayan, noon hanggang ngayon. Hindi naman po nagkakaiba ang hangarin ng ating kumisyon at ng Simbahan na bigyan ng dignidad ang pagkatao ng tao, Humanity of Voters by making sure they exercise their basic rights and in this particular case yung kanilang Right to Political Participation..” pahayag ni Guia sa panayam ng Radio Veritas

Batay sa Republic Act No. 7166, mandato ng Commission on Elections ang pagtiyak sa pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan.

Kaugnay nito, umaapela rin ang Simbahang Katolika sa mga botante at mga kandidato na ibalik at bigyang dangal ang halalan sa pamamagitan na rin ng pagsunod sa mga batas at hindi paninira sa kapwa kandidato ngayong panahon ng kampanya kung saan kaagapay na rin nito ang pagtupad sa kanilang mga binitawang pangako kung sila ay mahalal.

Sa pinakahuling tala ng Comelec, tinatayang umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa nakatakdang halalan bukod pa sa 1.4 milyong Overseas absentee voters na mayroong isang buwan upang bumuto sa kasalukuyang isinasagawang OFW Absentee Voting sa may higit 30-embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na magtatagal hanggang sa ika-9 ng Mayo.(Reyn Letran)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 13,288 total reads

 13,288 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 37,102 total reads

 37,102 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 73,603 total reads

 73,603 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 294,227 total reads

 294,227 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 328,125 total reads

 328,125 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top