Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, nanawagan ng sama-samang panalangin para sa ulan

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Nagbahagi ng panalangin si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo sa matinding epekto ng El Niño phenomenon na umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Inilahad ng obispo sa kanyang panalangin ang paghingi ng tawad sa mga nagawang pagkakasala ng tao sa kalikasan.

Gayun din humingi ito ng gabay mula sa Panginoon upang maitama ang lahat ng pagkakamali ng tao at sama-samang mapanumbalik ang balanseng kalikasan.

“Sa pamamagitan nitong ginawa ng CBCP na Oratio Imperata, muli mo kaming alalahanin [Panginoon] ang aming mabigat na panunungkulan lalo na sa panahon ng climate change, nang tamang stewardship, pangangalaga sa aming kapaligiran, nawa kasabay ng aming panalangin, na humihingi ng awa sa taong ito ng Mercy, ay nawa’y gabayan mo rin kami sa aming pagkilos, para hindi naman kami umaasa lang sa iyo, sa panalangin, kundi ipakita rin naming sa aming mga pagkilos, na kami ay tumutugon sa tawag ng panahon ngayon na maging responsableng katiwala ng aming kapaligiran.” panalangin ni Bishop Arigo.

Sa kasalukuyan sa datos Department of Agriculture, umaabot na sa 252,176 hektarya ng lupang pansakahan ang apektado ng El Nino mula pa noong Pebrero nang nakaraang taon hanggang nitong Marso 2016 kung saan 383,743-metriko tonelada ng mga pananim at iba pang produktong mula sa agrikultura ang nasira na nagkakahalaga ng 5.53-bilyong piso.

Magugunitang taong 2014 pa lamang nabatid na ng PAGASA ang matinding El Niñong tatama sa Pilipinas ngayong 2016, subalit nabigo ang administrasyong mapaghandaan ito.

Kaugnay dito, isinailalim na rin ng National Disaster Risk Reduction Management Council sa State of Calamity ang mga lalawigan ng Isabela, Quirino, Bukidnon, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, at Basilan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,157 total views

 34,157 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,287 total views

 45,287 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 70,648 total views

 70,648 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,036 total views

 81,036 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 101,887 total views

 101,887 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 5,728 total views

 5,728 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 160,809 total views

 160,809 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 104,655 total views

 104,655 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top