Pangangalaga sa kalikasan, pagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,311 total reads

Umaasa si Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez na mabubuksan ang kamalayan ng mga mananampalataya sa pagkilala sa kapangyarihan ng Panginoong lumikha sa sanlibutan sa pagsisimula ng Seasons of Creation.

Ito ang mensahe ng Obispo sa Banal na Misa sa pagsisimula ng Season of Creation noong unang araw ng Septyembre sa Christ the King Mission Seminary kung saan ginanap ang makahulugang Walk for Creation.

Ayon sa Obispo, ang unang araw ng Septyembre na siya ring pandaigdigang araw ng pananalangin para sa sanilikha ay pagpapahayag ng pagkilala sa kapangyarihan at pagmamahal ng Panginoon sa mga tao at sa lahat ng kanyang nilalang.

Ipinagdarasal ng Obispo na mapukaw ang mas malalim na pagpapahalaga ng bawat tao sa bawat bahagi ng kalikasan.

“Ito ay kagaya nung ating matutunghayan duon sa Laudato Si ng ating Papa Francis, ang araw na ito ay pagpapahayag ng ating pagkilala sa kapangyarihan sa pagmamahal at sa pagpapahalaga ng Diyos sa ating mga tao.” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ng Obispo ang mga mananampalataya na pangalagaan ang kalikasan.

“Sa ating mga kapanalig sana maging simula ito na talagang mabuksan ang ating kamalayan at pagkilala sa tunay na katuturan ng paglikha ng Diyos sa atin at sa iba pang mga nilikha na ito ay pagpapahayag ng kanyang dakilang kapangyarihan at pagmamahal sa ating lahat at tayo ay kan’yang binabahaginan ng kapangyarihang yan, tayong mga tao.” Ayon kay Bishop Iñiguez

Samantala, nagpasalamat naman si Fr. John Leydon, MSSC – Convener ng Global Catholic Climate Movement Pilipinas sa suportang ipinakita ng mga mananampalataya at ng simbahang Katolika sa adbokasiya ng pangangalaga sa kalikasan gayun din sa mga dumalo sa Walk for Creation.

“Ito ay napaka gandang pahiwatig na ang ating simbahan ay bukas na sa panawagan ng Diyos sa ating panahon para sa lahat ng tao na kumilos na bago mawasak ang ating kapaligiran” pahayag ni Father Leydon sa Radyo Veritas.

Sa tala ng GCCM-Pilipinas umabot sa 3,000 mga mananampalataya ang nakilahok sa ikalawang taon ng pagsasagawa ng Walk For Creation sa unang araw ng Septyembre 2018 sa Christ the King Mission Seminary.

Matatandaang noong ika-1 ng Septyembre 2017, ay pinangunahan ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang Walk for Creation na ginanap sa Luneta, kung saan tinatayang 5,000 mananampalataya mula sa iba’t-ibang mga parokya, paaralan, at institusyon ang nakilahok sa pagdiriwang.

Umaapela naman si Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mananampalataya na gamiting pagkakataon ang season of creation sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Read more: Pagdiriwang ng Season of Creation, Gamiting daan sa pangangalaga sa kalikasan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 74,041 total reads

 74,041 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,188 total reads

 169,188 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,456 total reads

 213,456 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,565 total reads

 236,565 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,375 total reads

 308,375 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,806 total reads

 32,806 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,711 total reads

 25,711 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top