Pamahalaan, Hinamong palayasin sa Pilipinas ang tunay na undesirable aliens

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Nararapat na tanggapin ng mga Filipino sa halip na paalisin ng bansa ang mga dayuhang misyunerong tulad ng 71-taong gulang na Australian Missionary Nun na si Sr. Patricia Fox na inialay ang kanyang buhay para gabayan ang mga mahihirap.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – dating Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines sa tuluyang pagsasantabi ng Bureau of Immigration sa inihaing Motion for Reconsideration ni Sr. Fox matapos kanselahin ang kanyang Missionary Visa sa bansa dahil sa pagiging isang ‘Undesirable Alien’.

Ayon kay Sr. Mananzan, sa halip na si Sister Pat ay dapat na ituring ng pamahalaan na undesirable aliens ang mga nagpapasok ng droga at mga dayuhang mamumuhunan na sumisira sa kalikasan.

Iginiit ni Sr. Mananzan na bihira lamang ang mga dayuhan na tunay na naiintindihan at nakikibahagi sa mga pinagdadaanan ng mga simpleng mamamayang Filipino.

Sinabi ng Madre na isang pagkakamali ang pagpapadeport kay Sr. Patricia Fox.

“She is a desirable alien hindi siya undesirable, there are so many undesirable alien na dapat palabasin and people like Sr. Pat we should really welcome them you know instead of sending them away kasi there are so very rare for foreigners to be in solidarity with our people and naiintindihan niya yung kanilang kalagayan, nakikiisa siya napaka-rare niyan sa mga foreigners. Nagkakamali sila na papaalisin nila yung nakakabuti sa mga tao at pinababayaan nilang nandyan lahat yung mga drug dealer, hindi nila pinapaalis yung mga nagsisira ng environment natin and etc…” pahayag ni Sr. Mananzan sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang pagpapadeport kay Sr. Patricia Fox sapagkat siya ay isang kanais-nais na dayuhang misyunero na dapat pasalamatan taus-pusong pakikiisa sa mga manggagawa, magsasaka at mga katutubo sa bansa.

Iginiit ng Madre na dapat paalisin ng pamahalaan sa ang mga tunay na ‘Undesirable Alien’ sa bansa.

Nananatiling positibo naman si Sr. Mananzan sa inihaing petisyon ni Sr. Fox para sa Renewal ng kanyang Missionary Visa na inaasahang magtatapos na sa ika-5 ng Setyembre.

“She applied for a renewal of her passport pero hindi pa naman siya nare-reject diba kaya ngayon kung hindi pa siya nare-reject we still have hope diba, ang ano ko lang dyan it’s such a pity kasi she is a desirable alien, hindi siya undesirable alien, there so many undesirable alien na dapat palabasin and people like Sr. Fox we should really welcome them instead of sending them away.” Paglilinaw ni Sr. Mananzan.

Mariin ding nanindigan ni Sr. Mananzan na walang paglabag na ginawa si Sr. Fox sa kanyang Missionary Visa sapagkat sa loob ng halos 30-taon ay tanging aktibo ang madre sa pagbibigay ng espirituwal at moral na gabay sa mga naaabusong magsasaka at mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 74,016 total reads

 74,016 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 169,164 total reads

 169,164 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 213,432 total reads

 213,432 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 236,541 total reads

 236,541 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 308,352 total reads

 308,352 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top